Taduran 100% ready sa 3rd defense vs. Mexican
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | March 31, 2026

Photo: Ni-renew ni MPBL Founder at Chairman Manny Pacquiao at Solar Sports President Wilson Tieng ang kanilang broadcast partnership para sa MPBL Eighth Season simula sa Abril 10. Kasama sa mga hanay ng dumalo sina MPBL Commissioner Emmer Oreta, CEO Joe Ramos at Legal Counsel Glenn Gacal, Solar Sports Chairman William Tieng, CFO/COO Kenneth Yumand at Chief Legal Counsel Valerie Grace Domantay. (Gerard Arce)
Siyento-por-siyento ng handa si reigning at defending International Boxing Federation (IBF) minimumweight champion Pedro “Kid Pedro Heneral” Taduran sa ikatlong title defense kontra Gustavo “Smiley” Perez Alvarez ng Mexico sa Abril 4 (oras sa Pilipinas) sa Pechanga Resort and Casino sa Temecula, California.
Tuluyan ng nagtapos ang mahaba at matinding pagsasanay sa Amerika ni Taduran (19-4-1, 13KOs) matapos maaga itong nagtungo sa bansa upang hinangin at palawigin ang paghahanda para sa kanyang US-debut.
Maagang sinanay ng 29-anyos na tubong Libon, Albay ang katawan sa klima ng Estados Unidos, na nagsimulang magsagawa ng training camp noong Enero kasunod ng direktiba ni MP Promotions President Sean Gibbons. “One-hundred percent na po ako and maintain na lang po and ingat sa injury,” pahayag ni Taduran sa mensahe nito sa Bulgar Sports sa ginawang pagsasanay sa Knucklehead Boxing Gymnasium sa Las Vegas.
“Talagang pinaghandaan ko siya ng 100% kase alam kong hindi rin siya basta-basta lang kalaban. Hindi ako dapat magpabaya sa laban and need ko ibuhos 'yung maraming punches para makuha ulit natin 'yung tagumpay.”
Hindi naging madali ang paghahanda ng 5-foot-3 southpaw katapat si Cuban boxer Joahnys Argilagos. “Malaki naitulong niya sa akin kase mabilis siya at mahirap din ako makapatama kapag magalaw sya. Sa makakalaban ko rin parang ganun po siguro amateur din ang estilo niya,” paliwanag ni Taduran.




Comments