Nagkalat na rin ang COVID-19 sa vismin, ingat!
- BULGAR
- May 20, 2021
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | May 20, 2021
Namemeste ngayon ang COVID-19 virus sa mga lalawigan sa VisMin.
Huh, bakit kaya?
◘◘◘
NOBENTA porsiyento ng bakuna ay ituturok sa NCR Plus 8.
Paano naman 'yung iba?
◘◘◘
BAKIT kaya ayaw itigil ang debate sa West Philippine Sea?
Nasapawan na nila ang pandemic!
◘◘◘
BUMABALIK na ang ilang obrero sa kanilang kumpanya.
Pero, skeletal force lang.
At least, hindi sila magiging “bungo”!
◘◘◘
ANO kaya ang hinihintay ni VP Leni sa kanyang desisyon?
Siyempre, kuwarta.
Anupi!
◘◘◘
PINUPUTAKTE ang Pfizer vaccine kahit saan.
Dahil made in USA.
‘Ereng, “made in China”, baka PSG na lang ang magpabakuna!
◘◘◘
MAG-AARTISTA na lang daw ang natalo sa Miss Universe candidate na si Rabiya Mateo.
Huh, akala ko kakandidato silang pangulo sa 2022?
◘◘◘
TATAPUSIN na raw ang TV series na “Ang Probinsiyano”.
Pinahahaba na lang kasi ang ilang eksena para makatapos lang.
Huhulaan natin ang “ending” ng AP.
Mapapatay si Cardo kunwari, pero mabubuhay din sa ikalawang yugto!
◘◘◘
MAGDEDEKLARA raw ng bankruptcy ang Philippine Airlines.
Kahit wala pang pandemic, bangkarote na ‘yan, eh!
◘◘◘
HINDI pa gumagalaw ang mga national candidates kahit wala nang taon ang kampanya.
Nagpapakiramdaman lang ang mga ‘yan!
◘◘◘
NASAAN na ang community pantries?
Napagod na sila kaka-post sa social media!
◘◘◘
SOBRA-SOBRA ang init.
Isang dahilan kung bakit biglang naglaho ang COVID-19.
Dahil airbone, sunog sila sa ere!
◘◘◘
MAIINIT din ang temperature ng mga tao.
Wala nang masusulingan pa ang virus kapag tag-init!
◘◘◘
SINO kaya ang iimbitahan ni P-Digong sa susunod na press conference.
Baka next time ay si Sen. Jinggoy naman, tapos ay si Sen. Bong.
Last na ipe-presscon si Janet Napoles.
He-he-he!
◘◘◘
NAGKAKAINITAN na naman ang US at China kasi’y pinasok na ng Pentagon ang Taiwan strait.
Inunahan na nila ang dalawang warships ng Beijing!
◘◘◘
MAAARI kasing sumiklab na ang World War 3 dahil sa giyera ng Israelites at Palestinians sa Gaza.
Kapag kasi nagkagiyera, unang kukubkubin ng China ang Taiwan bago ang Pilipinas.
Kwidaw!





Comments