top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

NAGKALAT NA PATAY NA SI WILLIE, WANTED!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 7, 2022
1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 7, 2022


“Fake news” ang sigaw ng isang malapit na staff ni Willie Revillame sa kumakalat sa socmed na patay na ang TV host.


Kahapon nang tanghali ay may nagpa-verify sa amin if true ang balitang patay na si Willie.


Agad naming kinontak ang malapit na staff ni Willie at kinumusta ang well-loved game show host.


Kaaalis lang daw sa studio ni Willie pagkatapos mag-live sa kanyang programa sa AllTV.


Patunay pa niya, siya mismo ang naghatid kay Willie pagsakay nito sa kanyang chopper na nasa itaas ng Wil Tower sa may tapat ng audience entrance ng ABS-CBN.


Mismong si Willie raw ang nagpapalipad ng kanyang chopper papuntang Tagaytay kung saan siya nag-i-stay sa ngayon.


Lisensiyado raw si Willie bilang piloto kaya keri niyang magpalipad ng chopper.


Although, may sarili raw master pilot na naka-assign sa chopper ni Willie at siya ring kasama ng TV host kapag pinalilipad ang kanyang sasakyang pang-himpapawid.


Pagbalik ni Willie sa studio from Tagaytay, gamit pa rin ang kanyang chopper siyempre.


Natawa raw ang TV host nu’ng sabihin ng kanyang staff ang balitang dead na siya.


Pero request ni Willie, ipadala sa kanya ang link ng kumalat na fake news ukol sa kanya.


Samantala, naibalita rin sa amin ng staff niya na lilipat na sa studio ng AllTV sa Starmall ang programa ni Willie sa January, 2023.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page