Nagkakainitan sina P-Digong at Mayor Isko, nakupo!
- BULGAR
- Aug 14, 2021
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | August 14, 2021
Biyernes-trese kahapon.
Ingat sa trahedya!
◘◘◘
HINDI na maawat ang Delta variant.
Third dose ng bakuna ang pangontra rito.
◘◘◘
NAGKAKAINITAN sina P-Digong at Mayor Isko.
Napapahamak si Mayor Sara!
◘◘◘
NAKIKISUNTOK na rin sina Sen. Ping Lacson at Ex-Speaker Alan Peter Cayetano laban kay P-Digong.
Tipong binabatuk-batukan ang kanilang dating amo!
◘◘◘
HINDI umiiskor si Mayor Sara.
Nababawasan ang kanyang puntos habang lumalapit ang eleksiyon!
◘◘◘
MAAARING nag-peak na si Mayor Sara, 11 buwan bago pa mag-eleksiyon.
Kapag peak, wala nang ibang puntahan ang linya sa graph kundi ang dumausdos.
Kumbaga, sarili ni Mayor Sara ang kanyang kalaban, sariling bigat niya ang magpapalugmok sa kanyang kampanya!
◘◘◘
SA totoo lang, ang political peak ay dapat tinitimpla-timpla rin.
Ibig sabihin, hindi dapat nagpi-peak nang maaga ang aspirante o kandidato— 'yan ay kanyang itatalo.
Hindi personal 'yan, 'yan ay teknikal at scientific!
◘◘◘
KUMAKARENGKENG na naman si Kristeta.
Babae talaga siya!
◘◘◘
HINDI raw mauubusan ng oxygen.
Siyempre, wala naman tayo sa Mars, eh.
Mauubos lang ang pambili ng oxygen!
◘◘◘
TUMATAKAS na ang US forces mula sa Afghanistan.
Bagong Vietnam!
◘◘◘
NAGPA-PANIC na ang mga taga-Bulacan dahil sa COVID-19.
Pero ang mga LGUs, tameme pa rin!
◘◘◘
HINDI pa ring nagsasagawa ng emergency measures ang Malakanyang kahit alam nilang, patungo na sa India model ang COVID-19 crisis sa bansa.
Bikini pa rin ni Yorme ang pinapantasya.
Sino kaya ang lalake at sino ang lihim na bakla?
◘◘◘
TUMIGIL na sa pambabae si Sen. Manny Pacquiao.
Posibleng dahil din sa iisang dahilan.
Baka pag nagsawa siya sa babae, lalaki na rin ang kanyang paglalaruan!
◘◘◘
WALANG masama sa pagiging bakla.
Ang masama ay kung magnanakaw ka!
◘◘◘
DAPAT nang tigilan ang balitaktakan sa pulitika.
Mas mainam ay mag-away ang mga pulitiko sa pag-uunahan na saklolohan ang mga nagdarahop!
◘◘◘
KUNG sarado ang maraming negosyo, saan kukuha ng buwis ang gobyerno?
Esep-esep paminsan-minsan!
◘◘◘
AALISIN daw ang events ng weightlifting at boxing sa 2024 Paris Olympics.
Ano'ng lalaro ang ipapalit nila?
Pataasan ng ihi.
Tiyak na makaka-gold d'yan ang Pilipinas!





Comments