top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nagka-post-partum at anxiety attack… KYLIE, UMAMING NAGPA-DOKTOR SA PAG-IISIP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 30, 2023
  • 2 min read

Updated: Mar 31, 2023

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 30, 2023




Napanood na namin kahapon sa special screening na ginanap sa Vertis North, QC ang Unravel movie na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Kylie Padilla. Isa ito sa mga official entries sa Summer Metro Manila Film Festival na mapapanood simula sa April 8, mula sa Mavx Productions at Star Magic at idinirek ni RC delos Reyes.


Mabigat ang tema ng pelikula tungkol sa mental illness at pinaiyak kami nang todo sa ending, pero nabalanse ito ng magandang chemistry nina Gerald at Kylie at napakasarap nilang panoorin, lalo na si Kylie na lutang na lutang ang ganda sa pelikula.


Kaya nga sabi namin sa kanya kahapon, parang wala naman siyang pinagdadaanan sa movie dahil ang blooming niya.


Napuna lang namin na parang may similarity ang role rito ni Kylie in real life, kaya tinanong namin siya kung naka-relate ba siya sa role niyang may failed marriage at paano siya naka-cope up compared sa kanyang character bilang Lucy.


Aniya, “'Yung character ko po, very character-based po ‘yung decision making for this.


Sobrang lakas ng empathy ko for Lucy. There are similarities, pero we’re very, very different.


Pero, nagamit ko naman, so you know, it’s nice."


At kung paano naka-cope up si Kylie after ng hiwalayan nila ni Aljur Abrenica?


“Napakaganda ng Switzerland and na-adapt ko rin ‘yung culture nila na magbawas ng pagse-cellphone, lumabas kasama ‘yung mga bata. Kasi ganu’n sila, eh, they’re always outside.


Tapos ang ganda pa ng Switzerland, so ‘yun. Nakatulong naman ‘yun. Sana in the future naman, madala ko ‘yung mga anak ko ru’n kasi sobrang ganda,” sagot niya.


When asked kung tulad ni Lucy ay may suicidal tendency din siya, hindi diretsahang sinabi ni Kylie na umabot siya sa ganu'ng punto, pero inamin niyang kumonsulta siya sa doktor for professional help dahil nagkaroon siya ng post-partum depression at anxiety attack.


“Ah, let’s just say na ‘yung therapy really helped. So, I encourage people who do suffer from mental illness na ‘yun nga, tulad ng sinabi ko kanina, to get help kasi that’s the most important thing to do. Hindi po kayo nag-iisa.”


So, after the therapy, ano ‘yung nabago kay Kylie Padilla?


“Ah, actually, I opened up myself like a sponge, eh. Kasi ‘yun nga, eh, kasi kailangan ko nga ng tulong. When I was in that phase, and I need to accept na maybe I am not okay, acceptance is key and then, maging open ka lang to heal.”


Sa tanong kung nakapagpatawad na ba siya kaya nag-heal na ang sugat, sagot niya, “Of course.


Matagal na naman ‘yung forgiveness. It’s the anger that was hard to let go of! Hahahaha!”


Ohhh… gets mo 'yan, Aljur?! Hehehe!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page