top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Naghihintay na lang ng resulta ng annulment… CONG. ALBEE, LUSOT SA KASONG VAWC NA ISINAMPA NG MISIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 13, 2025
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 13, 2025



  • Albee Benitez - FB

Photo: Albee Benitez - FB


Hinihiling ni Bacolod City Representative Albee Benitez sa publiko, partikular na sa media, na bigyan na ng privacy ang kanyang pamilya. Ito ay matapos ibasura ng korte ang lahat ng kasong isinampa laban sa kanya ng nakahiwalay na asawang si Dominique “Nikki” Lopez.


Sa isang resolusyon ng Makati City Prosecutor’s Office na inilabas noong June 23, 2025, ang reklamo ng dating misis ng pulitiko at movie-TV producer sa umano’y paglabag nito sa Section 5(e)(2) at (1) ng Republic Act 9262 na kilala rin bilang Violence Against Women and their Children Act of 2004 ay ibinasura na dahil sa kawalan ng malakas na ebidensiya.


“On a final note, while this office commiserates with whatever complainant has gone through, the office has to take into consideration the lack of evidence to support her case of violation of RA 9262. Under the provision of D.C. No. 15, the evidence required exacts more than probable cause i.e. prima facie evidence with reasonable certainty of conviction of the accused when the case is tried in court,” ang bahagi ng nakasaad sa resolusyon.


Napansin din ng mga prosecutors na karamihan sa mga ebidensiyang ipinakita ng dating misis ng pulitiko/producer ay pawang ‘sabi-sabi lang’ at batay sa mga newspapers, mga online materials at walang probative value.


“Wherefore, it is respectfully recommended that the complaint for RA No. 9262 otherwise known as Violation Against Women and their Children against respondent Alfredo “Albee” Bantug Benitez be dismissed for insufficiency of evidence,” nakasaad pa sa resolusyon na pirmado ni Assistant City Prosecutor Mikhail Maverick P. Tumacder at inaprubahan ni Senior Assistant City Prosecutor Melvin A. Matti.


Ayon kay Cong. Albee sa isang press statement, ang pagbasura sa kaso ay isang kumpirmasyon na ang hustisya sa Pilipinas ay buhay pa rin at sinuman ay puwedeng humingi ng tulong para makamit ang hustisya.


Nakiusap ang kongresista na ngayong absuwelto na siya sa mga akusasyon ng dating misis ay mabigyan na ng katahimikan ang kanyang pamilya habang nagmu-move on na silang lahat sa mga nangyari.


Sa kasalukuyan ay hinihintay na lang daw ni Cong. Albee ang resulta ng annulment nila ng estranged wife. At kapag nangyari ito, open na kaya siya na magkaroon ng bagong girlfriend?



ANG award-winning veteran actor na si Ronnie Lazaro ang bibida sa latest horror film ni Direk Joven Tan na Lola Barang (LB).


Sa pocket interview para sa naturang pelikula ay inamin ni Ronnie na hangga’t maaari ay ayaw niya raw sanang gumawa ng horror film.


“Naisahan ako rito ni Direk Joven,” natatawa niyang sabi. 


Aniya pa, “Eh, horror ito, eh. Hindi ako masyadong gumagawa ng mga horror.”

Katwiran niya, naa-absorb kasi niya ang mga nakakatakot na eksena at nadadala pa rin kahit tapos na ang shooting.


Pero gusto raw niya kasi talagang katrabaho si Direk Joven and in fact, marami silang pelikulang pinagsamahan.


Good thing, sa LB ay wala namang kakaibang nangyari sa kanya dahil marunong na raw siyang magtanggal o magbanlaw pagkatapos ng nakakatakot na eksena.

“Kasi nu’ng makita ko ‘yung aming set na may ritwal, may ritwal kaming gagawin sa isang eksena at siyempre, nag-aalala ako kasi tumatawag tayo ng mga espiritu, baka may dumating,” kuwento niya.


“I just asked direk kung itong mga materials na ginagamit namin ay tunay na mga props. Pero meron naman akong tinatawag na mental skills na pampatanggal ng mga masasamang enerhiya. Natutunan ko naman ‘yun,” aniya.


Tinanong nga namin kung paano ang ginagawa niya at aniya ay simple lang naman, sinusunod lang niya ang ilaw na ibinigay ni Jesus Christ which is ‘ilaw ng pagmamahal’.


Paliwanag pa niya, “Binigyan tayo lahat ng ilaw. Kung hindi natin gagamitin, nand’yan lang ‘yan. Gamitin natin, palakihin natin ang ilaw na ‘yan. Ano’ng ilaw na ‘yan? Ilaw ng pag-ibig ‘yan, eh. ‘Yan ‘yun, simple lang.”


Dagdag pa niya, “That will also act as your protection. It’s like doing the sign of the cross.”


Sa entire career daw niya ay pangalawa pa lang ang LB sa mga horror films na ginawa niya. Ang una ay ang Yanggaw noong 2008.


Pero ipinagpapasalamat naman ni Ronnie na sa tagal na niya sa industriya ay hindi pa rin siya nawawalan ng proyekto at nandito pa rin siya doing what he loves.


“Nagpapasalamat tayo sa Diyos at nandito pa rin kahit papaano, nakakapagbahagi ng magagandang mensahe and I love my craft,” aniya.


Ginagampanan ni Ronnie sa LB ang papel na box-office director hanggang sa dumating ang panahong naubusan siya ng ideya at nakilala ang isang matandang mambabarang sa papel ni Gina Pareño na nakatulong nang malaki sa kanya.


Aside from Gina, kasama rin ni Ronnie sina Lou Veloso, Richard Quan, Mercedes Cabral, Allan Paule and introducing si Lizzie Aguinaldo.

Ipapalabas na ito sa mga sinehan ngayong August 6.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page