Naghain ng mosyon sa SC... Digong, ibalik ng 'Pinas — Kitty
- BULGAR

- 7 hours ago
- 1 min read
ni BRT @News | May 13, 2026

Photo: KItty Duterte - Harry Roque FB
Muling naghain sa Korte Suprema ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng urgent motion para hilinging iresolba ang kanilang habeas corpus petitions.
Hinihiling ni Veronica “Kitty” Duterte na gawin ang lahat ng hakbang ng gobyerno para maibalik agad sa Pilipinas ang kanyang ama.
Giit pa ng kampo ni Duterte, labag sa Konstitusyon ang pag-aresto, pag-surrender, at patuloy na pag-detain sa dating Pangulo sa International Criminal Court (ICC).
Binanggit din sa mosyon ang nangyaring girian sa Senado kaugnay ng tangkang pag-aresto kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa bilang patunay umano na kailangan na ng agarang aksyon mula sa Korte Suprema.





Comments