Naghahanap na raw ng simbahan… SARAH, PAKAKASALAN ULI NI MATTEO SA ITALY
- BULGAR
- Aug 31, 2024
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary| August 31, 2024

Nilibot ni Matteo Guidicelli ang hometown ng kanyang ama sa Italy kasama ang misis na si Sarah Geronimo.
Caption sa kanyang Instagram (IG) post, “Venice, Italy. Exploring more about Murano and maybe some shopping.”
Sa video, makikitang binibiro ng Popstar Royalty ang mister, na nagtatanong sa kanyang “Love” kung nasaan ito.
Sagot ng natatawang hubby, “I’m in my hometown!
“This is where my papa and my grandfather, Gianni, are from.”
Enjoy ang mag-asawa, lalo na si Sarah, habang nililibot nila ang lugar na pinagmulan ng asawa. Para silang mga bata na naglalaro habang naglalakad sa Venice. Mukhang nawiwili sa pag-e-explore ng iba’t ibang bansa ang mag-asawa.
Ang Venice trip ay nasundan ng Edinburgh, pero bago sa nasabing mga lugar ay nag-explore na rin sila earlier in the month sa Australia.
May concert sa Sydney si Sarah G. Pagkatapos nu’n ay nag-ikot ang mag-asawa sa Australia.
Ganu'n din ang ginawa nina Sarah at Matteo nang lumipad sila sa Los Angeles, California nang tanggapin niya ang award para sa Billboard Women in Music Awards (BWIMA) kung saan ang singer ang first Filipina na nanalo ng ‘Global Force Award’.
Back to Italy, may nagkomento na kaya raw iniikot nina Matteo ang lugar dahil naghahanap sila ng venue para sa kanilang church wedding?
Matatandaang ikinasal ang lovely couple noong 2020 nang walang bendisyon ng mga magulang ni Sarah. Nabanggit ni Matteo sa isang panayam na magpapakasal sila ni Sarah sa Italy. Eto na kaya ‘yun? Wala lang, matanong lang po.
Kalat na hiwalay na… ERWAN, NAG-REACT SA POST NI ANNE

May post si Anne Curtis ng kanyang larawan kung saan ipino-promote niya ang isang luxury brand.
Nilagyan niya ito ng caption, “I said, brrr.”
Nagkomento ang mister niyang si Erwan Heussaff na, “Keep looking younger.”
Ang komento ni Erwan ay sinundan ng tanong ng isang commenter, “Bakit ka po nag-comment sa post ng ex mo?”
Dito na nagkasunud-sunod ang tanong kung totoo nga bang hiwalay na ang lovely couple.
Sey ng mga netizens, “Hala, true ba?”
“Pinagsasabi mong ex.”
“Nagpapaniwala ka naman sa mga Marites sa Facebook (FB) kahit happy family, pilit na sinisiraan.”
“Come back na ‘yan.”
“Totoo ba ‘yung nasa FB?”
“THEY’RE SOLID AS A ROCK!”
“Erwan, kaya looking good and young si Anne kasi magaling kang mag-alaga at magmahal.”
“@erwan beating the ‘stupid’ divorce allegations.”




Comments