top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nagdispley ng Lamborghini… OGIE, INOKRAY, SINABIHANG MAGPARETOKE NG ILONG

BULGAR
Jun 15, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | June 15, 2022


Masyadong sineryoso ng mga netizens ang larawang post ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz sa kanyang Facebook account na sumandal siya nang bahagya sa mint green luxury car na Lamborghini sa isang parking lot sa Amerika.


Ang caption nito, “35 years na rin naman ako sa entertainment industry. Kung wala pa akong nararating, nakakahiya naman sa sarili ko. Ibig sabihin, 'di ko ginamit ang utak ko, ang talento ko, para marating ang kung anuman ako ngayon.


“Saka deserve ko rin naman ito. Bugbog na 'yung luma ko. Naghihingalo na, 'ika nga, kaya dapat nang bumili ng bago.


“Namili ako kung anong kulay. Merong red, yellow, black, white, silver. Ang tagal ko pang nag-decide.


“Itong green ang napili ko. Masarap sa mata. Lutang na lutang. Mapapansin agad ang bago kong biling charger (hawak sa kaliwang kamay).”


Maraming nag-share sa post na ito ni Ogie na as of this writing ay umabot sa 244 na inakala ng mga hindi nakakakilala sa kanya na totoong kanya ang luxury car.


Pinik-ap din ito ng ibang showbiz online site kaya maraming bumati kay Ogie at may mga hindi maganda ang komento.


May netizen na hindi yata naintindihan ang caption ng manager-vlogger kaya hindi maganda ang sinabi niya na ini-repost ni Ogie ang larawan with matching picture.


Ang caption ni Ogie sa kanyang FB account, “Gusto ng mga friends ko, mag-post pa raw ako ng mga nakakaaliw, dahil masarap daw basahin.


“Okay, sige. Since nagpapaantok ako now dito sa Corona, California (wow, masabi lang na nasa US, hahaha!), pumatol naman tayo sa comment ng isang netizen.


“'Di ba, may ipinost ako? Picture ko sa tabi ng green Lamborghini? Dami nag-comment at nag-share. Lalo na 'yung mga pumuso.


“Dinukot din ng Kami.com.ph. Although I messaged them na 'May joke po sa dulo.' Eh, kasi nga, sineryoso ng marami, hahaha! Pero congrats sa mga naka-gets ng punchline.”


At dito na binanggit ni Ogie ang pangalan ng netizen na nagkomento sa post niya.


“May pumukaw lang ng atensiyon ko sa comment section ng post ng Kami. Itong si kagandahang Sarah Avancena. And to quote her: 'Tama ka, lutang na lutang ang kulay ng napili mo, pasalamat ka sa viewers mo sa iyong YouTube na tinangkilik nila. Kung wala sila, hindi ka makabili ng ganyang sasakyan… kaya pasalamat ka sa subscribers mo, ilong. Sunod mong iparetoke mo ang ilong mo, para lalo kang maging guwapa.'


“Ok. Hindi na ako magko-concentrate sa kabobohang umintindi, doon na lang ako dadako sa gusto niyang magparetoke ako ng ilong.


“Ateng, okay 'yung suggestion mo na magparetoke ako ng ilong kung feeling mo, eh, ‘yung ilong mo ang batayan ng magandang ilong.


“Napa-stalk tuloy ako sa mga posts mo na mas madalas ka pang magpalit ng profile pic kesa mag-post ka ng mga concerns mo sa lipunan.


“So, after my thorough evaluation, napabuntong-hininga na lang ako.


“So, ganito, Sarah… ‘wag kang nagsa-suggest na 'Magparetoke ako ng ilong' kung may kapareho rin akong ilong sa miyembro ng pamilya mo.


“Baka magtampo sila sa 'yo. Sa ilong ng ibang tao, concerned ka, tapos, sa ilong nila, hindi.

“Tingin muna sa salamin, teh. O kung walang salamin, tingin din sa loob ng pamamahay mo, baka mas kailangan nila ng suggestion mo kesa kailangan ko.


“Saka ang kinis mo sa profile pic mo, teh, ha? Anong filter app 'yan? Actually, sa sobrang ganda mo, gusto kitang regaluhan ng manika at karayom.”


Gets namin ang payong ito ni Ogie kay netizen Sarah at sana, huwag itong masamain ng huli dahil kaya siya pinansin ng talent manager-vlogger ay para sa susunod, maging maingat na siya sa pagbibigay ng mga komento. Baka kasi makatapat siya ng taong mainit ang ulo o may pinagdaraanan, eh, hindi magandang salita ang ibalik sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page