top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Nagbakasyon sa Singapore... GERALD, NAGMUKHANG DRIVER-BODYGUARD NI JULIA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 3, 2022
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 3, 2022



Kasalukuyang nasa Singapore ang celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.


Naispatan ang magdyowa sa NAIA Terminal 2 kahapon na lilipad patungong Singapore for a vacay.


Napansin ng isang netizen ang hindi tamang pagsusuot ng face mask ng aktor.


"Yikes, magta-tatlong taon na, ‘di pa rin marunong mag-mask si Gerald. Chos!" sey ng netizen.


"‘Di naman na mandatory mag-mask ngayon. ‘Yung sa likod nga nila, walang mask. Jusme, dito, since March pa, wala nang mask kahit sa mga loob ng malls," sabi naman ng isang sawsawera.


Pati ba naman ang suot na t-shirt ng aktor, pinansin ng netizen.


"‘Yang suot ni Gerald ang mga uso ngayon na t-shirt ng mga lalaki, ‘noh? Manly talaga."


Binigyan naman ng kulay ng ilan ang pagkapit ni Julia sa braso ng boyfriend. Baka raw mawala si Gerald sa kanyang paningin.


Pero kontra ng isa, “Actually, it’s the other way around. Julia is so gorgeous and young TBH (to be honest), mas mabilis niyang mapapalitan si G kung maghihiwalay sila. Let’s be real here. LOL."


"Grabe si Julia, kahit naka-mask, head-turner pa rin ang beauty."


"Parang tatay ni Julia si G," puna naman ng isa.


Pero pagtatanggol ng isang netizen, "Ako, nakita ko na si Gerald sa personal, sobrang guwapo. Kakainin mo ang sinabi mo sa pagsasabing mukha siyang tatay."


Sabi naman ng isa pa, "Parang bodyguard lang datingan ni Gerald."


"Smile naman Juls, char! Magti-3 years na pala sila? Baka nga forever na."


"October ba ang anniversary nila? Sponsored trip ‘to ni Julia para sa F1. ‘Andu’n din ‘yung iba nilang friends, nasa Singapore."


"Julia looks like a young, fit, beautiful, rich woman. Gerald looks like manong driver/bodyguard."


"Mark my word, si Julia na ang pakakasalan ni Gerald. Na-feel ko na."


Well, let’s see.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page