Nagalit dahil ipina-banned sa preskon… LOLIT, NAGSORI NA SA MGA BANAT KAY BEA
- BULGAR
- Oct 19, 2022
- 3 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 19, 2022

Bakit kaya parang hindi sineseryoso ng mga nakabasa ang paghingi ng ‘sorry’ ni Manay Lolit Solis kay Bea Alonzo? Tila wala raw sa puso ng manager ang mga sinabi niya.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay nag-post ang kilalang talent manager na humihingi na siya ng dispensa kay Bea sa mga pinagsasabi niya laban dito.
Sa katunayan ay loyal fan daw siya ng love team ni Bea at ni John Lloyd Cruz.
Nabanggit ding marami raw kasing nakisawsaw at nag-comment din ng hindi maganda sa kanya mula sa mga fans ni Bea kaya isa sa mga dahilan kung bakit lagi niyang pinupuna ang aktres.
Pinuri rin nito ang kapwa manager na si Shirley Kuan sa ginawa nitong pagtatanggol kay Bea.
“Ewan ko kung bakit ako na-sad sa nakita kong mga reactions ng tao sa 'lovers' quarrel' namin ni Bea Alonzo, Salve. Ang dami nang nakisawsaw, sumali, nagbigay ng opinyon, violent reactions.
“Ewan ko kung dahil nag-2nd childhood na ako at pumatol sa mga bashers na nag-react nang sabihin ko na hindi bagay sa Start Up PH si Bea dahil story ito ng bagong college graduate at 32 na si Bea.
“Gaga din ako na nairita sa bashing ng mga fans na ang naging biktima sa pagganti ko, si Bea Alonzo. Nagkasanga-sanga na ang lahat hanggang pati sina Salve at Gorgy nadamay dahil ipina-cancel sila ni Shirley Kuan sa isang presscon. Hanga ako sa pagtatanggol at pagmamahal ni Shirley sa alagang si Bea.
“Maganda ang manager/talent relationship nila. Lahat ng gulo dahil sa mga nasabi at nasulat ko sa IG.
“Na-sad lang ako na dahil sa akin, nag-resign si Shirley Kuan sa PAMI. Tiyak ko na kahit paano, apektado ang mga members.
“Sad ako na itinuturing akong BULLY, dahil kahit kelan, hindi naman nabago ang ugali ko.
Sad ako na iyon iba, kailangan maging plastic dahil gustong ipakita na ayaw nila makisali, pero alam mo na mas matimbang ang loob nila kay Shirley at sa mga kakampi nito.
“Hindi ko gusto na humantong sa pagpili sa kung sino mas gusto mo, si Shirley o si Lolita.
Aminado ako na baka OA na ang mga nasulat o nasabi ko about Bea.
“Pero isang bagay na masasabi ko Salve at Gorgy, mas nalungkot ako sa pagdamay ni Shirley Kuan sa inyong dalawa. Overboard na para bang dahil malapit kayo sa akin, dapat kayong idamay ni Shirley Kuan.
“Nagsimula sa akin, dapat sa akin din magtapos. Aminado ako na dahil lang sa pagpatol sa mga bashing ng fans kaya naging sunud-sunod ang kagagahang isinulat ko kay Bea Alonzo.
“For that, I Am Very Sorry. Naisip ko na ang tinamaan ay si Bea Alonzo na puwedeng nasaktan dahil sa mga nasabi at naisulat ko.
“At dahil mahusay at matalino ang kanyang manager na si Shirley Kuan, ipinagtanggol niya ang kanyang alaga. At pinakamagandang ginawa niya, ipa-cancel ako sa presscon ng Beautederm. At ang the height, isali sa cancellation sina Salve at Gorgy.
“Brilliant idea, very intelligent move from a very successful number 1 manager, Shirley Kuan. Now, the rest is history.
“Ako na ngayon ang bully. Ako na ngayon ang may sala. To think na favorite love team ko ang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. To think na para sa akin, isa si Bea sa may pinakamagandang mukha sa showbiz. Me and my crooked sense of humor na hindi makuha ng lahat. Sa mga nakikisali sa issue, wala akong galit kay Bea Alonzo. Kung nasaktan siya, at ang mga nagmamahal sa kanya,
“I Am Very SORRY. Ako lang ang may kasalanan, huwag na ninyo isali sina Salve at Gorgy. At please, tigilan na ninyo ang pagiging plastic, sa buhay, dapat nasa kanan, o kaliwa ka lang. Iyon mga nasa gitna, umiiwas lang dahil mga duwag sila na ayaw madamay. Basta ako, alam ko aminin kung tama o mali ako. Hindi ako naging plastic kahit kailan. Bongga,” ang mahabang litanya ni Manay Lolit.





Comments