Nagagawa na lahat ng gusto… SARAH, TODO-ENJOY NA MALAYA NA, RICHARD, 'DI NA BABALIKAN
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 6, 2024

Ngayong medyo lumamig na ang “word war” sa pagitan ng kampo ni Sarah Lahbati at ni Annabelle Rama, marami ang nagsasabing posibleng magkabalikan daw sila ni Richard Gutierrez.
Pero, kinontra ito ng ilang fans ni Sarah. Wala raw balikang magaganap lalo na't ine-enjoy na ni Sarah ang kanyang freedom.
Nagagawa na ni Sarah ang lahat ng gusto niyang gawin. Hindi na siya nape-pressure dahil wala nang magbabawal sa gusto niyang gawin.
At pinatunayan din ni Sarah na kaya niyang mag-survive on her own. Hindi na niya kailangang dumepende kay Richard.
Sa ngayon ay co-parenting ang setup nina Sarah at Richard sa kanilang mga anak. Hindi ipinagdadamot ni Sarah ang dalawang anak na makasama ang kanilang Daddy Richard.
Basta sa ngayon, nagawa ni Sarah na ipaglaban ang kanyang karapatan. At suportado naman siya ng kanyang parents sa pinagdaraanang marital problem.
Ang inaabangan ngayon ng lahat ay kung itutuloy pa ba ni Sarah Lahbati ang pagpa-file ng annulment nila ni Richard. At kung saka-sakali, ano ang mga kondisyon ni Sarah upang hindi na niya ipa-annul ang kasal nila ni Richard?





Comments