top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nag-YouTube, milyun-milyon ang followers…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 12, 2021
  • 1 min read

IVANA, TODO-IYAK NANG LAITIN NG MGA BFF NA 'DI SISIKAT BILANG BOLD STAR

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 12, 2021




Inamin ni Ivana Alawi na sobra siyang dismayado sa ilang itinuring niyang kaibigan noong nagsisimula pa lamang siyang pumasok sa showbiz.


Sa halip daw na damayan siya at bigyan ng moral support, sila pa ang unang nanghamak sa kanya.


Iniyakan ni Ivana ang sinabi ng mga kaibigan na wala siyang mararating sa kanyang paghuhubad. Masamang-masama ang loob niya noon. Pero sa halip na sumuko at panghinaan ng loob, ginawa ni Ivana ang lahat upang patunayan sa mga taong umapi sa kanya na may puwang siya sa showbiz.


At hindi niya pinagsisihan ang ginawa niyang tulay upang sumikat — ang pagpapa-sexy sa mga vlogs niya sa YouTube.


Para kay Ivana, hindi naman cheap at bastusin ang kanyang mga larawan. Marami ngang positive comments siyang natanggap. Bigla siyang sumikat sa social media at dumami ang subscribers sa YouTube na milyun-milyon na ngayon.


Dahil din sa kanyang sexy image kaya napili si Ivana bilang Calendar Girl ng Tanduay. At dahil sa magagandang blessings na dumating sa kanyang buhay, nagawa nang patawarin ni Ivana ang mga taong umapi noon sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page