Nag-walkout dahil kina Gerald at Maja… JULIA, TINAWAG NA 'SLAYER'
- BULGAR
- Sep 12, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | September 12, 2023

Marami naman ang nagulat at nagtaka kung bakit nag-walkout si Julia Barretto nang dahil sa simpleng tanong sa kanya nu’ng event ng Preview kamakailan.
Ayon sa naging pagtatanong ni Ka-BULGAR Melba Llanera, nais niya lamang kunan ng reaksiyon si Julia hinggil sa pinag-usapang ‘beso-moment’ nina Gerald Anderson at Maja Salvador sa isang FIBA game.
Tila hindi nagustuhan ni Julia ang tanong, kaya't mabilis itong tumalikod at sinabing hindi siya nandu’n para sa mga ganu’ng bagay.

“Slayer,” ang itinawag sa kanya ng mga netizens na naikumpara sa pa-sweet daw na reaksiyon ni Issa Pressman nu’ng maganap din ang 'beso-moment' between James Reid at Nadine Lustre sa Gucci event.
Ang hirit nga ng mga FIBA fans na madalas nakakakita sa dalawa kada game, gumaganti lang daw si Julia dahil sa pang-aasar na ginagawa ni Gerald. Every time kasing tinitilian at nagpapa-charming si Julia sa mga hinahangaan nitong basketball stars, ‘boo!’ raw ang malakas na isinisigaw ng BF.





Comments