top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Nag-uulyanin na si P-Duterte, hindi niya kilala ang tunay na “weak leader”

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 22, 2021



PINARATANGAN mismo ni P-Digong si ex-Sen. Bongbong Marcos na “weak leader”.


Hindi tuloy maiwasan na ikumpara si BBM sa kanyang alalay na si Sen. Bong Go na kumakandidato ring pangulo.


Ang tanong sa social media: Sino ang tunay na weak leader, si Bongbong o si Bong?


◘◘◘


MAY rumeresbak, si Go ba ay strong leader?


Bakit siya umiyak nang ma-intepellate ni Sen. Frank Drilon nang nais ipasa ang hospital bills sa kasagsagan ng pandemya?

◘◘◘


TINANGKA pa ng senador na hindi kilalanin ang ‘period of interpellation’ na bahagi at tungkulin ng bawat mambabatas sa Senado at Kamara.


Dahil hindi lumusot ang planong pag-iwas sa interpellation, napilitan itong harapin si Drilon!

◘◘◘


ANG sumunod na eksena, pinagpawisan siya nang malapot at nagngangawa na binu-bully siya.


Halos ganito rin ang eksena nang i-sponsor-an ang budget ng sports commission!


◘◘◘


SA isang eksena, nasaksihan kung paano turuan ni BCDA chief Vince Dizon si Go na animo’y batang nagpapasaklolo sa kanyang kasamahan.


Sino ba ang tumawag kay Blue Ribbon Committee chairman, Senador Richard Gordon para ‘wag na siyang masyadong banggitin sa Pharmally scandal?


◘◘◘


SINO ba ang umiyak nang malamang tuloy sa pagtakbo si Davao City Mayor Sara Duterte ngayong national elections?


Hindi ba mismong si Pangulong Duterte pa ang nagsabi sa taumbayan na kahit sa harap niya ay parang batang umiyak si Go?


◘◘◘


KAYA para mapahinuha ang pag-aalboroto ni Go, sinabihan na siyang huwag nang umiyak at patakbuhin niya ito bilang pangulo ng bansa.


Nag-u-ulyanin daw si Pangulong Duterte dahil maaaring hindi niya naamoy na ang katabi niya ay ‘weak leader’.


Nabubuhay lang sa pabulung-bulong!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page