top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nag-unfollow sa isa’t isa sa IG… HIWALAYAN NI CARLO AT NG MADIR NG ANAK, PINAGPIYESTAHAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 19, 2022




May panibagong couple na naman ang diumano'y hiwalay na, walang iba kundi ang actor na si Carlo Aquino at ang live-in partner na si Trina Candaza kahit pa may isa na silang anak na baby girl.


Sina Carlo at Trina ang pinagpipiyestahan ngayon ng mga Marites at Mosang sa showbiz.


May nagtanong sa aktor, "Carlooo, bakit naka-unfollow ka na kay @trinacandaza?"

"Baka break na," sabi naman ng isa.


Sinundan pa ito ng isa, "They moved out na din. Living in a condo na," with sad face emoji.


"‘Di na kayo in good terms ni Trina? Napansin ko kasi ‘di ka na naka-tag sa mga stories niya.


Pati sa latest 'fam' pic n’yo."


Ang mga tanong na ito ang pumasok sa Instagram account ni Jose Liwanag, ang real name ni Carlo.


May nagtanggol sa aktor, "They're still together and they follow each other sa IG."


"Baka naman nag-away lang, kayo naman."


"Piyesta na naman ang mga Marites."


May nagsabi namang, "Naka-follow pa, katse-check ko lang."


"Naka-follow na ulit. Kalma lang kayo."


"‘Kaloka parang kelan lang. Haaay. Another baby na naman ang ‘di buo ang family."


"Pag-check ko sa IGs nila, naka-follow at unfollow naman na. Hmmmm…."


"May bagong movie? Yikes! For the show, lahat gagawin mapansin lang? Kailan lang, sweet-sweet-an sa photo!"


"Simpleng tampuhan and now, ok na ulit sila."


"Nagpapapansin lang ‘yang magjowa na ‘yan."


"Parang now lang sila nag-follow ulit sa isa’t isa. Katse-check ko lang kaninang umaga, magka-unfollow pa sila. Baka gumagawa lang ng ingay since may movie si Carlo with Julia (Barretto)."


"Nagpapaingay. Tapos na kasi ‘yung clamor about pusit game."


"Baka tampuhan lang, or nag-follow uli because they have sponsored deals as a family."


"Gumagawa lang ng ingay, kayo naman, siyempre, for the sake of Carlo and Julia movie."


Naku! Ano ba talaga ang totoo, Carlo, follow or unfollow?




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page