top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nag-unfollow na sa isa't isa sa IG… SUNSHINE AT MACKY, BREAK NA AFTER 5 YRS.

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 26, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | September 26, 2022



May mga nagtatanong na kina Sunshine Cruz at Macky Mathay sa Instagram account nila kung totoong break na silang dalawa.


Siyempre, hindi nila sinasagot ang mga tanong. Pero, hindi na pina-follow ni Sunshine si Macky sa IG nito and vice-versa at deleted na rin ang mga photos ni Macky sa IG ni Sunshine.


Pero, sa IG ni Macky, may photos pa sila ni Sunshine at ang isa ngang photo nila, sabi ni Sunshine, “I love you, Macky! I miss you already” na sinagot ni Macky ng “Mahal kita my @sunshinecruz718! Miss na miss na rin kita.!!”


August 21 ang petsa ng post nilang nagpalitan pa ng “I love you,” September 26 pa lang ngayon, kaya gustong malaman ng mga netizens kung kailan sila nag-break.


Ang realization post ni Sunshine, walang nakalagay na petsa. Saka, present pa si Macky sa 18th birthday ng anak nina Sunshine at Cesar Montano na si Sam Cruz. Doon din nagkita at nagkakilala sina Macky at Cesar.


Tapos ngayon, break na sina Sunshine at Macky after five years of being a couple at ang breakup ng dalawa ang nakitang rason ng mga netizens kung bakit wala si Macky sa 21st birthday ng isa pang anak nina Sunshine at Cesar na si Angelina Cruz.


May mga nag-comment na baka dahil kay Cesar kaya nag-break sina Sunshine at Macky, pero may matagal nang partner si Cesar at nakilala na rin siya ni Sunshine. Kaya, out si Cesar sa paghihiwalay nina Sunshine at Macky.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page