top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nag-topless sa beach… NETIZENS KAY JOSHUA: CHEAP, TYRING HARD, WA' NAMANG APPEAL!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 20, 2023
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 20, 2023



May post si Joshua Garcia sa kanyang Instagram account kamakailan kung saan makikitang nasa beach siya at topless.


Marami ang nagsasabing may kasamang French-Filipina athlete named Emilienne Vigier ang aktor nang magbakasyon sa Palawan.


Pinagbasehan ng mga netizens ang tila magkaparehong posts nina Joshua at Emilienne sa kani-kanyang social media page. ‘Di raw kasi maipagkakaila na magkasama ang dalawa sa naturang lugar.


Kaya naman, ‘di rin napigilan ng mga netizens na mag-iwan ng iba’t ibang komento patungkol kay Joshua at sa mystery woman sa buhay nito ngayon.


“Ewan ko sa paandar ni Joshua na nagpapa-yummy, ha! Pero, ‘di talaga ako naguguwapuhan sa kanya, I honestly don’t see the hype. (Oooops! Para sa akin ‘to, ha! Walang pakialamanan).”


“Wow! Level-up na si Joshua!”


“May muscle ‘yung arm ng lalaking kasama ni gurl, so hindi si Joshua ‘yun,” pasubali naman ng isang netizen.


“Parang naka-flex lang ‘yung lower arm dahil sa grip ng mga kamay sa railing. Kahit sino namang adult, magkaka-muscle ‘pag mahigpit ang grip.”


“Uhmmm… I’m neither a fan nor a hater, pero ‘wag na sanang ipakita ang underarm hair.


Medyo cheap kasing tingnan. Kumbaga, poor taste,” hirit ng isa na mas nag-focus sa kilikili ni Joshua.


“Definitely not him. I don't think he is into women with tattoos. I thought he said before in the interview he prefers women with no tattoos as they look too intimidating to him.”


“Joshua believing the hype about him… feeling hot yarn? Haha! Sorry, pero wala talaga siyang appeal,” komento ng isa pang netizen.


“Out of his league. Not saying he isn't a catch pero may vibes lang siya na TH (the heck). And too much paandar on his love life. Tsk!”


“Feel ko, hindi si Joshua ang type ng mga ganyang klaseng babae.”


“What’s happening? People trying to connect the dots kahit wala namang dapat i-connect?


Promo boy strikes again.”


“Yes, magkasama sila. I can confirm. Parehas ng lubid sa pictures nila.”


Oh, ano, Joshua, aamin o magde-deny?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page