Nag-thong, hiyang-hiya sa puwet… RIA KAY TONY: YOU LOOK GOOD, DON'T WORRY!
ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 14, 2023

Matapos maging Tanduay Calendar Girl, sa bagong Kapamilya series naman magpapa-sexy at magiging daring ang gorgeous and voluptuous actress na si Ria Atayde.
Ibang-ibang Ria nga ang mapapanood sa Nag-aapoy na Damdamin, na ka-back-to-back ng isa pang bagong serye ng ABS-CBN, ang Pira-Pirasong Paraiso, simula sa July 25 (Martes).
Sa Nag-aapoy na Damdamin na pagbibidahan ng first time lead star na si Jane Oineza kasama sina JC de Vera at Tony Labrusca, may steamy love scenes sina Ria at Tony na gaganap na mag-asawa.
Kaya naman inurirat namin ang magandang anak ni Ms. Sylvia Sanchez tungkol sa mga love scenes nila ni Tony dahil nabanggit ni Ria sa ginanap na back-to-back mediacon kahapon ng dalawang Kapamilya serye na malaking bagay 'yung may tiwala siya sa leading man niya kaya nagawa niya ang mga naturang eksena.
Kuwento ni Ria, nang malaman niyang si Tony ang makakaeksena niya, kinaibigan niya ito para maging komportable sila sa isa't isa bago gawin ang mga steamy love scenes.
Pag-amin naman ni Tony, hindi mahirap maging kaibigan si Ria dahil pareho silang inglesero't inglesera kaya nagkaroon agad sila ng chemistry.
Pagbubuking naman ni Direk FM Reyes, kahit love scenes ang kinukunan kina Ria at Tony ay tawa lang sila nang tawa sa taping at wala talagang 'awkward' moments lalo't maingat si Direk FM sa mga ganitong eksena dahil ayaw din naman niyang may ma-violate na mga batas.
Nag-share naman si Tony na sa isang love scene nila ni Ria ay kinailangan niyang mag-thong para hindi mahalatang may suot siyang underwear. First time raw ni Tony na magsuot ng thong kaya medyo uncomfortable siya, pero si Ria na ang nagsabi na walang dapat ikailang ang aktor dahil trabaho lang naman ang kanilang ginagawa.
"Conscious siya, eh. Sinabi ko lang, 'Dude, you're fine. You look good. Don't worry about it,'" payo raw ni Ria kay Tony.
Well, ang alam namin ay very protective ang Kuya Arjo Atayde ni Ria sa kanya, kaya when asked kung ano'ng naging reaction ng soon-to-be hubby ni Maine Mendoza, ani Ria, naiintindihan naman daw ng kuya niya ang transformation niya career wise, kaya hindi na lang ito manonood. Haha!
Ang boyfriend naman ni Ria na si Zanjoe Marudo ay very supportive rin sa kanya at dahil nga aktor din si Zanjoe, hindi big deal dito ang mga ganyang eksena at naiintindihan niyang trabaho lang 'yun.
And speaking of Zanjoe nga, nahingan ng update si Ria tungkol sa estado ng relasyon nila ng boyfriend.
Aniya, masaya naman sila ngayon pero wala pang mga plano tungkol sa kasal, lalo't malapit na ring ikasal sina Arjo at Maine, so mahirap nga naman ang sukob, 'no!
Tinanong namin si Ria kung aware ba siya sa 'playboy' image ni Zanjoe sa showbiz.
Diretsong sagot ng aktres, "Matagal na po kaming magkakilala but it doesn’t bother me naman whenever I hear 'coz I know how he is and who he is, so it's not something that affects me."
"What made you trust Zanjoe?" dagdag-tanong namin kay Ria.
Sagot uli niya, "Because he's trustworthy?" sabay tawa.
Ano'ng nakita niya kay Zanjoe para pagkatiwalaan?
"Sincerity, sincerity," sey pa ni Ria na obyus sa mga sparkling eyes na in love talaga kay Zanjoe.
Anyway, bukod sa apat na bidang sina Jane Oineza, JC de Vera, Tony Labrusca at Ria Atayde, kasama rin sa cast ng Nag-aapoy na Damdamin sina Joko Diaz, Kim Rodriguez,Maila Gumila, Carla Martinez, Aya Fernandez and Nico Antonio.
Mula ito sa direksiyon nina FM Reyes at Benedict Mique and produced by JRB Creative Productions.
Tutukan ang back-to-back na Pira-Pirasong Paraiso (3 PM) at Nag-Aapoy na Damdamin (3:50 PM) mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, A2Z at TV5 simula sa July 25.





Comments