top of page

Nag-swimsuit, boobs at balat laylay… CRISTINE, NALOSYANG NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 minutes ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 23, 2026



Cristine Reyes - Instagram

Photo: Cristine Reyes - Instagram



Umani ng mga positibong komento at papuri ang latest Facebook reels na ipinost ni Cristine Reyes kung saan makikita siyang naka-seaweed green one-piece swimsuit habang nakaupo na tila nasa beach.


May mga nakapuna kasi na nagkaedad na si Cristine pero hindi raw ito natakot na ipakita ang totoong katawan niya ngayon. Walang filter ang mga photos niya kaya kitang-kita ang medyo paglaylay na ng balat at boobs ni Cristine sa ilang shots niya.


May ilang nagkomento na mukha nang losyang ang minsan ding naging Sexiest Woman ng FHM at tila pinabayaan na raw ni Cristine ang kanyang katawan na dating “dine-desire” at pinapantasya ng kalalakihan.





May nag-compare pa nga sa kanya kay Alice Dixson na very fit, sexy and younger looking pa rin bilang endorser ng Century Tuna Superbods kasama sina Anne Curtis at Atasha Muhlach.


Pero mas marami nga ang naka-appreciate sa pagiging natural at totoo ni Cristine at naiintindihan nilang nagkakaedad na nga ito kaya normal lang ang paglaylay ng balat at boobs ng aktres.


Ang mahalaga naman daw ay happy ngayon si Cristine Reyes na makikita sa spark ng mga mata nito.


At in fairness, hindi naman nagbago ang magandang hubog ng katawan ni Cristine kaya may “K” pa rin siyang mag-display ng kanyang sexy body.


Dedma na lang siya sa iilang bashers lang naman niya na mukhang nanlalait lang para mapansin sila ng aktres.





MULING nasilayan ng publiko ang aktor na si  Kit Thompson sa isang segment ng Eat… Bulaga! na Hulaan ang Edad, bagay na agad na umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens. 


Kung matatandaan kasi, naakusahan si Kit ng kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act noong March 18, 2022 dahil sa umano’y pananakit sa kanyang ex-girlfriend na si Ana Jalandoni. 


Ayon sa aktres, nag-iiba umano ang ugali ng aktor kapag ito ay lasing at selos ang isa sa mga sinasabing dahilan ng pananakit sa kanya noon ni Kit. 


Naglabas din noon ng mga larawan ang babae na ikinabigla ng publiko, kung saan makikitang halos basag ang mukha ng aktres.


Dahil dito, hindi maiiwasang magtaka at maglabas ng saloobin ang ilang netizens sa pagbibigay umano ng platform kay Thompson sa telebisyon. 


“Masyado namang mabait ang media sa mga lalaki, nambugbog na nga, nakabalik pa sa showbiz?” ani ng isang netizen. 


Mas lalong umugong ang usapin dahil naganap noon ang insidente sa mismong National Women's Month noong 2022, at ngayong 2026 ay sa parehong buwan muling nagbalik ang aktor. 


Bukod sa kanyang TV appearance, mapapanood din si Thompson sa upcoming teleserye ng TV5 na My Bespren Emman, kung saan makakasama niya sina Ai Ai delas Alas at JM De Guzman. 


Matatandaan ding dati siyang kabilang sa Star Magic, ngunit tila nawala ito matapos ang kontrobersiya. 


Sa isang panayam kaugnay sa teleserye, inilahad ni Thompson ang kanyang pananaw sa second chance.


“I believe anyone deserves second chance, lalo na if they do try, you know, they do step away from that dark path. I believe everyone can have a second chance.” 

Dagdag pa niya, ang kanyang pananampalataya ang kanyang hinahawakan ngayon, at isa na rin umano siyang active member ng church. 


Sa ngayon, wala pang kumpirmadong balita tungkol sa estado ng relasyon nila ni Ana Jalandoni, bagama’t may ilang espekulasyon online na tila nagkaayos na umano ang dalawa.


Sa kabila ng kanyang pagbabalik, nananatiling hati ang opinyon ng publiko sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa aktor.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page