top of page

Nag-start lang bilang partners sa serye… KIM, HAPPY NA MAGKASAMA NA SILA NI PAULO SA IISANG 'BAHAY'

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 6, 2024
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 6, 2024

Showbiz News

Bilib na bilib ang Brilliant Skin Essentials CEO na si Ms. Glenda dela Cruz sa energy ng kanyang endorser para sa bago niyang ini-launch na Hello Melo beauty drink na si Kim Chiu.

Parang hindi raw kasi nauubusan ng energy si Kim mula nu'ng gawin nila ang TVC para sa beauty drink hanggang nu'ng mag-perform ang aktres sa harap ng lahat ng guests na distributors at resellers ng BSE sa launching niya last Sunday night.

Well, 'yun naman talaga ang personality ni Kim sa harap ng mga camera, talagang bungisngis at full of energy. 

Pero iba ang nakikita naming glow sa kanyang mga mata ngayon. Obvious na lalong naging blooming si Kim at halatang happy ang puso niya.

Sayang nga lang at hindi namin naurirat si Kim that night about sa estado ng kanyang puso ngayon dahil bawal daw magtanong ng personal questions sa aktres.

Pero pinasaya rin naman ni Kim ang mga KimPau fans nila ni Paulo Avelino at ang mga distributors-resellers ni Ms. Glenda sa pag-amin niyang masaya siya na magkasama na sila ngayon ni Paulo sa iisang 'bahay'. 

Ooops, teka lang, not as live-in partners po, ha? Ibig sabihin ni Kim ay masaya siya dahil pareho na silang endorser ngayon ni Paulo ng mga produkto ng kumpanya ni Ms. Glenda.

In fact, nu'ng tinanong nga namin si Kim kung sino ang mga gusto niyang bigyan at patikimin ng beauty drink na kanyang ineendorso, una talaga sa list niya si Paulo Avelino at ang iba pa niyang co-endorsers sa BSE na sina Arci Muñoz at Andrea Brillantes.

Kaya ayun, nagtilian naman ang mga distributors-resellers at iba pang guests ni Ms. Glenda that night sa pag-amin ni Kim sa sobrang kilig sa kanila ni Paulo, na by the way, mas unang nag-perform kay Kim nu'ng gabing 'yun at pinagkaguluhan-dinumog talaga ng mga guests para makapagpa-selfie lang sa aktor.

Ang lakas talaga ng impact ngayon ng KimPau na nagsimula lang sa seryeng Linlang at nasundan nga ng What's Wrong With Sec. Kim.

Affected much nang ma-bash ng netizens…

JOEY, NAG-SORRY KAY MILES SA JOKE NA 'PATABA' ANG AKTRES

File photo

Emosyonal at mangiyak-ngiyak si Miles Ocampo sa mediacon ng first teleserye niya sa TV5 kung saan siya ang pinakabida, ang Padyak Princess na magsisimula na sa June 10, 11:15 AM, Monday-Friday bago mag-Eat… Bulaga!.

Sa tinagal-tagal nga naman ni Miles sa industriya kung saan lagi lang siyang supporting role, ngayon, finally ay pinagkatiwalaan na siya ng TV5, Cignal at APT Entertainment para magbida sa morning series kung saan may dalawa pa siyang guwapong leading men — sina Joao Constancia at Jameson Blake.

Hindi nga makapaniwala si Miles at halos patulo na ang luha habang nagpapasalamat sa mediacon nu'ng Martes sa mga pumili sa kanya para magbida sa Padyak Princess.

Kaya naman mula sa June 10, halos araw-araw na ngang mapapanood si Miles sa TV5 dahil bukod sa Padyak Princess, nasa Eat…Bulaga! rin siya from Monday to Saturday at sa Emojination tuwing Sunday naman.

Mabuti na lang at okay na ang health ngayon ni Miles after her throat surgery, at hindi na raw siya nagpapaapekto sa mga body shamers and bashers niya at ang katwiran nga niya, as long as ginagawa niya ang trabaho niya, 'yun ang importante. 

Kung may magsasabi raw sa kanya ngayon ng mataba, ang sagot lang ni Miles, "Okay. I know!"

Kaya kahit 'yung joke sa kanya ni Joey de Leon sa Eat… Bulaga! kung saan nagbitaw ang TV host ng word na "Pataba" na ikina-react ng mga netizens, hindi na raw ginawang big deal ni Miles lalo't bawal ang pikon sa EB!.

Although, inamin niyang nag-sorry sa kanya kinabukasan si Joey dahil ito pala ang naapektuhan at nagulat kung bakit siya naba-bash dahil sa joke niya kay Miles.

Samantala, sobrang blessed talaga this year ni Miles dahil bukod sa maganda niyang career, inamin niyang masaya sila ngayon ng Kapamilya actor na si Elijah Canlas.

Bagama't ayaw nang magdetalye ni Miles sa balikang nangyari sa kanila matapos ngang mapabalita na nag-break sila dahil kay Andrea Brillantes, ang mahalaga ay hindi naman nagdamot ang aktres sa pag-aming masaya ang puso niya ngayon at very supportive sila ni Elijah sa kani-kanilang showbiz career.

Kung anuman daw ang namamagitan sa kanila, ibalato na lang daw sa kanila 'yun.

Tatlong padyak para sa Padyak Princess na si Miles dahil sa respeto niya sa trabaho ng mga press people na gusto lang namang maging updated sa kanyang career at personal life.

Samantala, na-appreciate rin namin 'yung gesture ni Miles na nag-request sa host na si MJ Marfori na pagsalitain din ang iba pang supporting cast ng Padyak Princess tulad nina Ara Mina, Ms. Ces Quesada, Christian Vasquez, Cris Villanueva, Yayo Aguila, Gillian Vicencio, Jem Manicad, Karissa Toliongco, Kira Balinger, David Remo, at Miel Espinoza dahil nag-effort nga naman ang mga ito na um-attend sa mediacon.

Mula sa direksiyon ni Easy Ferrer ang Padyak Princess sa TV5.

Nagkabalikan na, Andrea… 

MILES, UMAMING HAPPY TOGETHER NA ULI SILA NI ELIJAH 

Miles at Elijah

Comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page