Nag-sorry na rin… PNP, nangakong iimbestigahan ang footage ng mga pulis na may baril sa
pagbabalik-eskuwela
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | November 18, 2021
Nitong Lunes ay nagsimula na ang pilot face-to-face classes.
Sa halip 100 paaralan ang magbukas, nabawasan ng tatlo dahil may mga guro na nag-positive sa antigen test.
Ayon sa Department of Education, nag-negative ang mga guro sa RT-PCR test, bukod sa asymptomatic at fully-vaccinated na ang mga ito.
Ngayong November 22 naman, susunod sa pagbukas ang 20 pribadong paaralan.
☻☻☻
Marami sa mga kababayan natin ang nagulat at umalma dahil sa mga footage na may dalang baril ang mga pulis na tumutulong sa pagbalik-eskuwela ng mga bata.
“Zone of peace” ang mga paaralan at wala dapat nakapapasok na baril at puwersa, mapa-hanay man ng pamahalaan o rebelde.
Bagama’t humingi na ng paumanhin ang PNP at nangako ng imbestigasyon sa isyu, kailangan pa rin nating kondenahin ang naturang “lapse” at siguruhing hindi na mauulit.
☻☻☻
Mahalaga ang papel ng pilot F2F classes sa pagtaguyod ng ligtas na balik-eskuwela para sa lahat.
Umaasa tayong hindi sasayangin ng DepEd ang pagkakataon, at pag-aaralan nila nang mabuti kung alin ang best practices at dapat iwasan.
Dapat din nilang suriin ang iba’t ibang isyu at “gaps” sa mga paaralan at ayusin ang mga ito sa lalong madaling panahon.
Para sa kapakanan ng kabataan, nawa’y magtagumpay ang pilot F2F classes.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments