Nag-show lang... K AT POKWANG NAAKSIDENTE SA TATE
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 4, 2022

Tweet ni K Brosas last August 1, naaksidente sila ni Pokwang sakay ng isang pick-up truck sa Dallas, Texas.
Nagtungo sa Texas sina K at Pokwang para sa kanilang BFF Music and Laughter concert na ginanap noong July 23, 29 at 30, 2022.
Tweet ni K, "So, na-car accident kami kanina. Thank you, Lord, at safe naman kami. Ako lang ang may minor cut at may konting bruises.”
Nagpapasalamat ang singer-comedienne-TV host dahil ligtas sila ng kaibigang si Pokie though may tinamo siyang pasa at galos.
Kuwento pa niya, "Naloka ako sa bilis ng pagdating ng ambulance firetrucks, etc.. Na-check naman ako at ok lang, mabuti malaki ‘yung pickup truck kung saan kami nakasakay. TYL! [Thank you, Lord]"
Nag-post din si K ng larawan ng sinakyan nilang pick-up nang mabangga ito.
"Eto po pala hitsura ng bangga.. sa side ko talaga impact kaya ako lang ang medyo na-injure ng burberry (read: very, very) light lang, malayo sa bituka, hehe,” siwalat ng Sing-Galing host.
Nagpasalamat din si K dahil ligtas sila ni Pokwang.
"Still thank you Lord talaga.. Okay pa rin naman ako at kaming lahat. Stay safe po."





Comments