Nag-shopping lang nang lagay na 'yan… JINKEE, P2.7 M ANG OOTD SA MALL
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | December 15, 2022

Hindi pinalalampas ng mga followers ni Jinkee Pacquiao at talagang binabantayan ang kanyang mga isinusuot o OOTD (outfit of the day) sa bawat event na kanyang pinupuntahan.
Laging inaabangan ng mga bashers ang kanyang mga branded outfit, accessories, shoes at bags.
Naging tatak na ni Jinkee ang pagiging fashionista. Hindi siya nagsusuot ng mga local brands kahit sa mga damit na pambahay lang. Pati nga ang kanyang house slippers ay branded din at libu-libo ang halaga.
Kaya nang minsan siyang nag-malling at nag-shopping sa Tiffany & Co. na ang suot ay simple lamang, hindi na nagulat ang publiko nang malaman ang presyo ng OOTD ni Jinkee Pacquiao.
Ang kanyang suot na Lucky Dior T-shirt ay worth P64,000. Ang kanyang Celine belt ay P32,261, ang kanyang cargo pants ay P27 K naman ang presyo. At ang kanyang Chanel sandals ay worth P62 K.
May Hermes purse siya na ang halaga ay P39,000. Ang pendant ng kanyang kuwintas ay halos kalahating milyong piso ang presyo at million din ang suot niyang Cartier bangles.
Kaya ang suma total ng OOTD ni Jinkee na ginamit lang niya nang mag-malling siya ay umabot ng P2.7 million. Ganu'n ka-rich ang misis ni Pacman!





Comments