top of page

Nag-share ng piktyur ng aktor at anak… JOHN LLOYD, BINATI NG GF SA B-DAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 26
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 26, 2025



Photo: John Lloyd Cruz - IG


Simple pero matalinghaga ang pagbati kay John Lloyd Cruz sa kanyang kaarawan ng girlfriend niyang si Isabel Santos sa Instagram (IG) post nito kahapon.


Noong June 24, Monday, ang eksaktong kaarawan ni John Lloyd na 42 yrs. old na, at matagal-tagal na rin sila ng painter na nobya niyang si Isabel.


Sa tagal na ng kanilang relasyon, ‘di natin sure kung mag-boyfriend-girlfriend pa lang sila. Posible na nagpakasal sila pero tahimik lang, quiet lang siguro ang dalawa, knowing kung gaano ka-private si Lloydie and his girlfriend especially sa kanilang relasyon.


Anyway, ishinare ni Isabel ang ilang series of photos and short videos ni Lloydie. Ilan dito ay kasama ng aktor ang anak niyang si Elias. 


Ini-reveal din ni Isabel kung saan at paano nag-celebrate si Lloydie ng kanyang kaarawan.


Caption ni Isabel sa IG post niya kahapon: “Happy Birthday (crab emoji)! I can hear your voice now, and it’s nice to hear you’re happy. That’s what I want for you now and forever. Family and food by the sea (wave emoji).”

So, there.



INAMIN ni McCoy de Leon na mami-miss niya ang kanyang role bilang si David sa Kapamilya top-rating primetime action-series na pinagbibidahan ni Coco Martin, ang FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Noong Hunyo 24, hinarap ni David si Miguelito Montenegro (Jake Cuenca) na nagpunta para sa kanyang kamatayan.


Ilang sandali bago ang kanyang pagpanaw, nagsanib-puwersa si David at ang kanyang stepbrother na si Tanggol (ginampanan ni Coco Martin) para patayin ang mga tropa ni Miguelito.


Pahayag ni McCoy, “Malaking oportunidad po sa akin na magawa namin ito nang maayos, kasama ko pa si Jake Cuenca. Grabe! Masasabi kong unique ang action scene na gagawin namin ni Kuya na parang kami ‘yung magkasama.”


Si McCoy ay kasama na sa serye mula noong pilot episode nito mahigit dalawang taon na ang nakararaan.


Ayon kay Coco, ang karakter ni David ay unang binalak para sa isang maikling pamamalagi lamang.


Sa kanyang mga nakaraang panayam, palaging ipinagyayabang ni McCoy na nakasama ang mga beteranong artista tulad nina John Estrada, Cherry Pie Picache, Christopher de Leon, Charo Santos, at marami pang iba.


“Originally, alam naman ng lahat na hindi naman talaga ako magtatagal dahil ‘di kami kambal. Ang sa akin talaga, malaking blessing ito. Sabi nga sa akin ni Kuya, niloloko niya ako ‘Miss you, McCoy!’ Ako din, mami-miss ko ‘to,” lahad ni McCoy.


Naranasan daw ni McCoy ang paglaki bilang aktor sa serye. At ang pagiging bahagi ng BQ ay higit pa sa trabaho. Itinuring niya ito bilang kanyang tahanan, at kasama niya ang pamilya.


“Masaya na malungkot, ito ang pinaka-reaksiyon ko kasi naging tahanan ko na itong Batang Quiapo, at gusto ng tao. Ang priority naman namin dito ay 'yung manonood,” sabi pa niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page