top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nag-selfie sa kusina, pinagpiyestahan… CLAUDINE, BUKING NA BURARA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 22, 2023
  • 1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 22, 2023



Nakakabilib ang talas ng mata ng mga Marites sa social media dahil hindi lang ang looks ng mga celebrities ang binabantayan nila, kundi pati background ng selfie photo o video man ng mga ito.


Ang latest ngang nakatikim ng pagpuna ng mga pakialamerang frog sa social media ay si Claudine Barretto.

Nag-post kasi si Claudine ng picture at video na nagluluto siya sa kusina ng lemon buttered chicken. Ang siste, kung 'yung karamihan, ang pagiging fresh ni Claudine ang napansin, 'yung ibang mapanuring mata naman, ang nananahimik na outlet na makikitang naka-scotch tape ang pinagdiskitahan.


Tawang-tawa kami sa comments ng mga netizens na 'yung iba, in fairness, concerned sa safety ng pamilya ni Claudine dahil mukhang delikado raw ang naturang saksakan o outlet.


Pero 'yung iba naman, gusto lang talagang mang-inis at sabi nga, mema lang, sinentruhan ang pagiging burara raw ng aktres dahil hindi umano ito maayos sa bahay.


Luh! Baka naman nagkaroon lang ng “something” nu’ng araw na ‘yun sa outlet at natiyempong nag-selfie nga si Claudine.


Nakakatawa talaga ang mga netizens, naglalaan ng oras para pansinin pati ang nananahimik na naka-scotch tape na outlet sa kusina ni Claudine!

Onli in da Pilipins talaga!!!❖🙰❖


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page