Nag-renew ng kontrata… KONDISYON NI KATHRYN SA ABS-CBN, ‘WAG MAKASAMA SI DANIEL
ni Ambet Nabus @Let's See | February 3, 2024

Parte talaga ng promo ‘yung drama kumbaga sa naging renewal of contract ni Kathryn Bernardo sa Kapamilya Channel at Star Magic.
Madrama raw kasi ‘yung part na nag-greet sina Alden Richards, Piolo Pascual at Jericho Rosales kay Kathryn.
Kung pagpapakita diumano ‘yun na kering-keri ni Kath ang pag-agawan ng mga leading men and also to spite Daniel Padilla, nagtagumpay daw ang naturang drama.
Oh, ‘di ba, talagang may kuwento sa bawat nagba-viral na fotos o video gaya nga ng nangyaring night-jog moment nina Kath at Echo. Out of the blue nga naman and of all the timing, hayun si Echo at bumabati kay Kath.
Given na si Alden dahil nagkasama na sila, and of course si Papa Piolo na noon pa ma'y nasa bucket list na ni Kath (pati ‘yung makasama niya si Ate Vi).
Well, napag-alaman nga natin na sa bagong pinirmahang kontrata ni Kath ay may mga special stipulations na demanded for. Kasama na rito ang hindi muna magla-love team si Kath o makasama si Daniel Padilla, ang mas mature na projects for Kath at ‘yung opportunity na makatrabaho ang mga nasa wish list niya.





Comments