Nag-react na “bullsh*t” kay Digong… CARLA, TINAWAG NA OA, BASTOS AT LAOS NG DDS
- BULGAR

- Sep 15
- 3 min read
ni Nitz MIralles @Bida | September 15, 2025

Photo: Carla Abellana / IG
Niresbakan na nga si Carla Abellana ng mga supporters ni former President Rodrigo Duterte dahil sa comment niyang “Bullsh*t” sa balitang “Rodrigo Duterte suffering from impaired memory – Kaufman.”
Tinawag si Carla na OA, disrespectful, has been, laos, tumatandang bitter, at “She doesn’t look pleasant” — ilan sa mga reactions sa comment niyang ‘yun.
Kasunod nito, may nagpaalala kay Carla na maging ready na maba-bash siya, maka-cancel at aawayin ng mga DDS (diehard Duterte supporters).
Pero may handang magtanggol kay Carla, at marami sila. Sila na raw ang bahalang makipagbardagulan sa mga aaway sa Kapuso actress.
Marami ang natutuwa kay Carla na nagpapahayag ng saloobin sa mga social issues at ipagpatuloy daw nito ang ginagawa.
May paninindigan daw ang aktres, pareho sila ni Anne Curtis.
Sa tuwa ng isang netizen, napa-comment ng “I love Carla! Eto ‘yung may balls pa sa nakakaraming lalaki, artista man o hindi.”
Hindi naman yata takot ma-cancel o ma-bash si Carla dahil patuloy siyang nagko-comment at nagpo-post tungkol sa corruption. Ito ay kahit pati handcrafted soap business niya ay idinadamay. ‘Dugyot soap’ daw ang ginagawa ni Carla Abellana.
May nanawagang i-boycott ang gawa niyang sabon. Sa sobrang galit, may nag-comment pa ng “Isaksak mo sa baga mo ‘yan,” at may tumawag sa kanya na “Bullsh*t.”
Marian at Anne, iniwan katabi ng aktor…
MAINE, TINANGGAL SA PIKTYUR KASAMA SI ALDEN
MAY paliwanag ang mga fans ni Alden Richards kung bakit in-edit out nila ang photo ni Maine Mendoza sa publicity material na inilabas ng Vivo Philippines na magkasama sina Alden at Maine. Iniiwas lang daw nila si Alden sa mga iko-comment ng mga fans ni Maine na kaya napasama ang aktor sa pagiging endorser ng Vivo ay dahil kay Maine.
At least, wala raw gulo dahil ang iniwan nilang kasama ng aktor sa pubmat ay sina Marian Rivera at Anne Curtis. Focused daw sa tatlo ang mga comments, at walang namba-bash kay Alden.
Kaya lang, may nag-react na AlDub fans. Bakit daw in-edit out ng mga fans ni Alden si Maine sa photo? Hindi raw maganda ang ginawa at hindi inirespeto si Maine.
Siguradong may sagot dito ang mga fans ni Alden.
In fairness, ang ganda ng 4 sa pubmat kahit parang idinagdag lang ang photo ni Maine o baka nga walang pubmat na magkakasama sila.
Maganda pa rin ang kinalabasan at maeengganyo ang mga consumers na bumili ng Vivo phone.
IBA-IBA ang comment ng mga fans sa bagong ilong ni Sanya Lopez dahil naging kamukha raw nito ang ilong nina Marian Rivera at Jennylyn Mercado na patulis.
Tanong ng mga fans, gusto bang gayahin ni Sanya ang dalawang Kapuso actress kaya ginaya niya ang ilong ng dalawa?
Tanong pa, sina Jennylyn at Marian ba ang peg niya?
Kani-kanyang comment ang mga netizens na hindi idine-delete ng aktres kaya nababasa nito at ng kanyang mga fans at followers sa Instagram (IG). Masipag din siyang mag-post ng mga photo niya sa sinasabing ‘new look’ niya.
May nakiusap na tigilan na nila si Sanya, nakarating na raw ang gusto nilang sabihin at ‘wag nang ulit-ulitin pa.
“Let’s be more kind, it costs nothing,” pakiusap ng isa.
May naniniwala namang hindi pa fully recovered ang nose enhancement ni Sanya Lopez kaya kung anu-ano ang napupuna ng mga netizens.
Ngayon nga, pati chin niya, ang feeling nila ay ipinagawa rin nito.








Comments