top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Nag-rally sa EDSA, grabe ang traffic… AGOT SA INC: BLIND FAITH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 1
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 1, 2026



Agot Isidro - IG

Photo: Agot Isidro - IG



Kumuda ang aktres na si Agot Isidro sa ginawang rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA People Power Monument kahapon.


Gaya ng dati, hindi nakapagpigil si Agot sa pag-post ng kanyang saloobin sa social media.


Post ni Agot sa X (dating Twitter), “Blind Faith.”


Dahil sa rally ng INC, nagmistulang parking lot daw ang EDSA. Kaya maraming kababayan natin ang naabala at naapektuhan ng matinding traffic.


Umayon naman ang mga netizens sa post ni Agot.


“‘Di faith ‘yung kanila. Utu-uto ang mga ‘yan. ‘Di nag-iisip, mangmang.”

“More like brainwashing at this point.”

“For them, it’s not about faith anymore. It's about their pride.”


Ganern?





READY na si James Reid na magka-baby. Galing mismo sa singer-aktor ang tsika na wish na niyang magka-baby. 


Siyempre, kanino pa nga ba kundi sa girlfriend niyang si Issa Pressman.

Halatang atat na si James na magkaroon ng sariling pamilya. 


Kunsabagay, nasa edad na rin naman si James at matagal na ang relasyon nila ni Issa.


Kaya lang, okay kaya sa kanyang dyowa na baby muna bago wedding?


For now, tutok muna si James sa kanyang pagbabalik bilang aktor. Ang tagal na rin noong huling napanood siya ng kanyang mga fans na umaarte sa harap ng kamera.


Aminado nga si James na nag-adjust siya noong una siyang sumalang ulit sa set ng serye nila ni Kathryn Bernardo, ang Someone, Someday (SS).


Pero buti na lang daw at tinulungan siya ni Kathryn to get back to his old self as an actor. Kaya after ng mga unang shoot nila, naging kampante na siya sa mga sumunod na araw.


Malalaman natin ‘yan kung naibalik ni James ang kanyang husay sa pag-arte once maipalabas na ang SS.


In fact, todo-promote na sina Kathryn Bernardo at James Reid sa kanilang first-ever drama series. 


Ang Someone, Someday ang kasunod na magpi-premiere pagkatapos ng Coco Martin’s Sigabo na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes.


Dahil halos magkasunod lang ang serye nila, nagkasama sila sa ginanap na Primetime Bida motorcade noong Linggo (Hunyo 28).


Well, muling nagkasama sina Mara (Kath) at Clara (Julia) ng dating seryeng Mara Clara sa promo ng kani-kanilang new series.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page