top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nag-propose sa basketball game… RICCI AT ANDREA, MAGDYOWA NA!

BULGAR
Apr 11, 2022
1 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 11, 2022



Viral nitong Sabado (Abril 9) nang hapon ang video ni Ricci Rivero na tinanong niya si Andrea Brillantes kung puwede niyang maging girlfriend.


Si Ricci ay manlalaro ng UP Fighting Maroons kung saan nakalaban nila ang koponan ng FEU Tamaraws nitong Sabado sa score na 83-76 para sa unang round campaign ng UAAP Season 84 Men’s Basketball Tournament.


Nanood ang aktres kasama ang ilang kaibigan kay Ricci at pagkatapos ng laro ay pumunta sa scorer’s table ang binata at kinuha ang mikropono.


“Can I ask Blythe to be my girlfriend?” tanong ng binata.


Hiyawan ang buong tao sa loob ng basketball court at may mga fans na lumapit kay Andrea para iabot ang black shirt na may nakalagay na YES at NO, at pinili ng dalaga ang ‘yes’ na lalong ikinagulo ng lahat.


Sabay sabi ni Ricci, “Thank you” at nag-flying kiss sa bagong girlfriend at saka dumiretso sa dressing room.


Matagal nang nali-link sina Andrea at Ricci dahil nakikita silang magkasama sa mga gimikan.


May mga nabasa kaming umalma ang mga supporters nina Andrea at Seth Fedelin dahil paano na raw ang SethDrea love team?


Anyway, dahil opisyal nang magkarelasyon sina Ricci at Andrea ay mamamatay na siguro ang tsismis na girlfriend ng binata si Sharlene San Pedro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page