Nag-post ng piktyur ng mangga… ANGELICA, BINATI NG MGA NETIZENS SA PAGBUBUNTIS
ni Julie Bonifacio - @Winner | March 11, 2022

Binigyan ng iba’t ibang interpretasyon ng mga netizens ang pag-post ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ng mga bunga ng mangga sa isang puno sa kanyang Instagram Story kahapon.
But most of them ay walang kaduda-dudang sinabi na confirmation ito sa bali-balitang buntis si Angelica. And of course, ang ama ng bata ay ang boyfriend niyang si Gregg Homan.
“Yes, congratulations, Angge!”
“Sana nga true, and for sure, maraming maha-happy sa kanya.”
“Actually, bulung-bulungan na nga sa mga insiders na preggy siya. I'm happy for her if it turns out to be true. Sa dami ng pinagdaanan niya, sa dami ng dumaan at nang-iwan, ito na 'yung sigurado sa buhay niya, 'yung magiging baby niya. Angelica can be a lot of things pero I have a soft spot for her talaga lalo na sa quest niya sa pag-ibig. Ito na 'yung true love na hinahanap niya. Sana nga, totoo."
“IF TRUE, praying for her safe pregnancy."
“Ang gandang bata kung sakali.”
Ang ibang netizens naman, may ibang pakahulugan sa post ni Angelica na larawan ng mangga.
“I hope it's true, but I'm curious - do people really believe green mangoes connote pregnancy? I don't understand. It's yummy whether you're pregnant or not.”
"Buntis agad? Hindi ba puwedeng hitik sa bunga kaya binabato? Char!”
May explanation ang isang netizen sa 'mangga' post ni Angelica sa kanyang IG story, “That's how Kylie Jenner presented her pregnancy, with denim jacket.”
Wow, ha, nagpapaka-Kylie Jenner pala si Angelica.
Ganern?





Comments