Nag-post ng picture na pa-cute lang daw… POPS, TINAWAG NI DONITA NA MADAME AURING

ni Julie Bonifacio - @Winner | March 30, 2022

Offensive ang dating sa ibang netizens ng comment ni Donita Rose sa ipinost na piktyur ni Pops Fernandez sa kanyang Instagram account.
Isang close-up picture ni Pops ang naka-post sa IG niya at sa comment section ay kinumusta ni Pops ang mga netizens.
“Kumusta ang gising n'yo? Ako ito… pa-cute lang, hehehe…Good morning. Have a blessed day (smile emoji),” comment-post ni Pops.

Nag-comment si Donita, “Madame Auring (with 3 laughing emojis)."
Samu’t sari ang naging reaksiyon ng mga netizens sa comment ni Donita sa piktyur ni Pops.
Na-confuse ang mga netizens sa real motive ni Donita sa pagtawag niya ng Madame Auring kay Pops.
“Ay, medyo offensive nga, haha! Ba't naman ganu'n?"
“Hala, medyo offensive pero natawa ako nang slight, hehe!”
“Who wouldn’t be? Madam Auring is beautiful but way older than Pops.”
“Malay mo naman, inside joke 'yan sa kanila.”
“Bwahaha! 'Kaloka 'tong si Donita.”
May nagduda na baka hindi si Donita ang may-ari ng account.
Ayon naman sa iba, baka ang ibig sabihin ni Donita ay may asim pa si Pops gaya ni Madame Auring na nagka-boyfriend pa ng mas bata sa yumaong manghuhula.
“Ay, parang this makes sense. Baka 'yun nga, tayo nag-assume na kamukha."
“If we're not part of their circle, we can only assume that it's offensive.”
"They are good friends.”
Ikinumpara naman ng isang netizen si Donita sa character actress na si Bella Flores.
"Haha. Kung ako si Pops, sagutin ko 'yan ng Bella Flores. Donita doesn’t age well too, sa nipis at taas ng kilay niya, parang si Bella Flores siya.
"Grabe naman si Donita mambasag ng trip. And I thought she was classy."
Prior to this, may ipinost din na comment si Donita sa IG story ng best friend niyang si Ruffa Gutierrez kamakailan regarding sa "ex".
Ito 'yung ipinost ni Ruffa na "Be kind to everyone, including your ex" pagkatapos ng controversial statement ng ex-girlfriend ni senatorial candidate Herbert "Bistek" Bautista na si Kris Aquino sa rally nina VP Leni Robredo at Sen. Francis "Kiko" Pangilinan sa Tarlac recently.
Say ni Donita sa comment section sa mensahe ni Ruffa sa kanyang IG post, "Ganoon."





Comments