Nag-post na ng piktyur nila ni Aiko… “HAPPY TOGETHER… AFTER 29 YEARS” — ONEMIG
- BULGAR

- 32 minutes ago
- 4 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | January 13, 2026

Photo: Onemig Bondoc at Aiko Melendez - IG
‘Kaaliw itong si Onemig Bondoc sa ipinost niyang: “Happy Together.. after 29 years,” na kasama si Konsehala Aiko Melendez sa kanyang Instagram (IG) account nitong Linggo dahil nagmukhang magdyowa na sila.
Inakala ng lahat na sila na, lalo’t nagkomento pa ang kapatid ni Aiko na si Michico Castañeda Bibit ng, “Love it, happy for you, guys!” at saka itinag sina Onemig at Konsi Aiko.
Sinagot naman ito ng konsehala ng “Thank you,” na parang inayunan nito ang pagbati sa kanila ni Uno (palayaw ni Onemig).
Sinundan pa ito ng “Aww!” na komento ng anak ni Aiko na si Marthena Jickain, na kasalukuyang nasa Chicago, Illinois, USA kasama ang amang si Martin Jickain.
Bukod sa mga komentong ito mula mismo sa mga kapamilya ng konsehala ng 5th District ng Quezon City, iisipin talaga na couple na ang dalawa.
Kaya naman halos iisa ang sinasabi ng mga netizens.
“Yown! Congrats, nakabalik na, kilig naman hanggang dulo,” at marami pang iba.
Kaya nagpadala kami ng mensahe kay Aiko kung sila na ni Uno.
“Hindi pa, Ate. His post was a reference na after 29 years, sinipot ko na rin s’ya,” sagot ni Aiko sa amin.
Sabi namin na hindi kasi ito naipaliwanag nang malinaw kaya inakala ng marami na after 29 years ay natuloy na sila bilang lovers, lalo’t nag-like pa si Marthena at may mga bumati na.
“Nasa getting to know and catch up kami kasi ang tagal naudlot ng story namin,” paliwanag pa ni Aiko.
At dahil siguro maraming nag-assume na may relasyon na sina Uno at Aiko, nag-live sila sa TikTok (TT) para sagutin ang mga tanong ng mga netizens.
Sa tanong kung magdyowa na sila ni Uno, diretsahang sagot ng konsehala, “Hindi!”
Susog ng single dad, “I wish. Pero ‘di n’ya pa ako sinasagot.”
Dagdag pa ni Onemig na seryoso siya at totoo ang nararamdaman niya kay Aiko at hindi ito AI (artificial intelligence).
Bakit nga ba magkasama sina Onemig at Aiko at ang posisyon nila sa larawang ipinost ng una ay parang magdyowa na, o baka naman pareho lang silang content creator at for views ito?
Agarang sagot ng single mom, “Hindi po kami gagawa ng pelikula. Wala po kaming anumang project together. You know naman that Onemig is not active anymore in showbiz.
So it has nothing to do with tsismis or whatever.”
Sundot ni Uno, “We’re just friends. Real friends.”
Hayan, malinaw na getting to know each other pa lamang ang dalawa dahil marami na ring nabago sa kani-kanilang buhay pagkalipas ng 29 years na binata’t dalaga pa sila noon.
Sa away ni Dennis at mga anak…
GENE: ‘DI KAMI GUMAGAWA NG KUWENTO, LALO NA NG KASINUNGALINGAN
UNANG beses pa lang daw na-bash si Gene Padilla dahil sa issue ng kapatid na si Dennis Padilla at ng mga anak nito sa kasal ni Claudia Barretto last year, kaya dapat ang tanong sa kanya ay kung ano ang natutunan ng mga bashers sa kanya.
“Dapat, ano’ng natutunan nila, ‘di po ako. Dahil unang-una, ‘yung mga bashers, actually, that was the first time na nagkaroon ako ng ganu’n karaming bashers dahil hindi naman ako sanay sa ganu’n.
“Matagal na po ‘yung alitan, ‘yung mga salitaan, pero never po akong nakialam.
“Kung may pag-uusap man, it’s between the family. Sa side ko, with my brother, pero hindi naman kami sumagot pagkatapos ng interbyu ng kabila kasi ‘pag sumagot pa kami, ‘di po matatapos.
“At pareho kaming parte nila at parte namin. Pareho lang maaapektuhan, kaya ang pinili namin ay maging mabuting tao na lang,” paliwanag ng aktor.
Dagdag pa niya, “Sa tanda ko na po sa industriya at bilang tao, napakahirap para sa akin at sa aking kapatid na gumawa ng kuwento, lalo na ng kasinungalingan. Kaya dapat, mag-move on na lang tayo at ‘wag patulan ang mga trolls o bashers. Sila po ang tsismoso at tsismosa ng social media.”
Ang hindi raw malilimutan ng kapatid ni Dennis ay sinabihan siyang mawala na raw at idinamay pa ang kanilang ina.
“Mabibigat po ang binitawan sa akin na sana mamatay na ako, mamatay ang kapatid ko, at mamatay ang nanay ko. Wala po kayong narinig sa akin. Kaya ayoko pong magpainterbyu. Natsambahan n’yo lang ako,” ani Gene.
Kaya ang payo niya sa mga bashers, “Naniniwala po ako na habang tumatanda tayo, panahon na para mag-ipon ng kaibigan dahil sa edad namin, napakaiksi na po ng oras.”
At ang komento ng aktor para sa mga pamangkin niyang anak ni Dennis kay Marjorie Barretto, “Kung may mga pamangkin po na ayaw sa amin o sa akin, okay lang po. Basta gusto ko pa rin sila. Ganu’n po talaga ang buhay. God bless na lang to each and everyone.”
‘God bless’ din ang mensahe ni Gene kay Marjorie, at kapag nagkita raw sila ay babatiin niya ang dating hipag.
Sey niya, “Babatiin ko po kasi makatao naman kami.”
Well, pansinin kaya siya ni Marjorie Barretto? Abangan!








Comments