top of page

Nag-Japayuki… SANYA, PROUD NA ‘P*KPOK FOREVER’

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 days ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | April 22, 2026



BULGARY - SANYA, PROUD NA P-KPOK FOREVER IG _sanyalopez

Photo: IG _sanyalopez



Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizens ang ipinost ni Sen. Robin Padilla sa kanyang Facebook (FB) page na ibinebenta na nila ang Museo de Padilla.


Ayon sa senador, “Malugod ko pong inaalok ang Museo de Padilla sa sinumang interesado. Ito ay may isang four-bedroom apartment, dalawang studio-type unit, at ang main house ay may anim na kuwarto at isang music room.”


Ayon sa mga komento ng mga netizens…

“Ang laki kasi ng bagong bahay nila ni Mariel Rodriguez, may hacienda.”


“Ano pa nga ba, eh, senador ang mister. ‘Di na nakapagtataka.”


“Kahit naman ‘di senador si Robin Padilla, mapera na s’ya noon pa. Kung corrupt ‘yan, eh, ba’t pa nagpaka-cheap si Mariel na ang arte-arte noon, ngayon tindera sa FB?”


“Paano nila ito kayang bayaran? ‘Di nga lang busy si Mariel sa TV. ‘Di kaya ng suweldo ni Robin bilang senador pa lang ang pambili ng hacienda.”


“Parang ‘di naman museum kundi mausoleum ang vibe lalo na ‘yung flooring at spaces.”

“Mga DDS, time n’yo na bilhin para may ambag kayo sa number 1 senator.”


“‘Di naman sila naghihirap, siguro ay sayang.”


“‘Di naman ‘to luma, ‘yan ang concept nila talaga, pero ‘di ito pang-residential, nakakahilo ang design.”


“‘Di s’ya luma. Ganyan ang style ng mga villa sa Middle East, but he added some Filipino touch like the capiz windows.”


“Kaya itong bilhin ni Daniel Padilla. Sa personality n’ya, parang trip n’ya ang ganito, kasi mahilig s’ya sa vintage at old classic.”


“Bakit nga ba s’ya may museo?”


May ilan ding nagsabing sayang ang museo dahil bahagi ito ng kasaysayan ng pamilya Padilla, habang ang iba ay nagsabing maaari pa itong gamitin bilang venue para sa events tulad ng weddings, birthdays at prenup shoots.


So, bakit nga kaya ibinebenta ito ni Sen. Robin Padilla? 





Enjoy si Jodi Sta. Maria sa bago niyang pelikulang Midnight Girls (MG) na kinunan sa Japan.


Natuwa ang premyadong aktres dahil habang nagsu-shooting sila ay kumikita pa siya ng extra income bilang Japayuki, kasama sina Sanya Lopez, Jane Oineza at Loisa Andalio.


Ani Jodi, “‘Di kasi alam ng mga Hapon na kami ay mga artista rito sa bansa. Kaya ‘yung mga nagte-table sa amin, binibigyan kami ng tip.”


First time nagkatrabaho nina Jodi at Sanya, at ibinahagi ng Kapamilya actress ang kanyang karanasan sa pakikipagtrabaho sa Kapuso star.


Ang kuwento ng MG ay tungkol sa mga babaeng nagsakripisyo na pumunta sa Japan upang kumita at makatulong sa kanilang pamilya.


Isiniwalat ni Jodi na upang mapaghandaan ang kanilang roles bilang club entertainers, nagkaroon sila ng immersion sa isang bar sa Japan.


“It is important for us na maintindihan ang lalim ng pinanggagalingan ng mga karakter na ginagampanan namin. So part du’n ang immersion,” aniya sa media launch matapos ang press preview ng pelikula sa Gateway Cinema 16.


Ginawa nila ang karaniwang ginagawa ng mga nagtatrabaho sa club — sumasayaw, kumakanta at nakikipagkuwentuhan sa mga kostumer upang aliwin ang mga ito.


Samantala, naging guest din si Jodi sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kung saan natanong siya tungkol kay Sanya.


“I really love her. I really vocalize my appreciation sa babaeng ‘to. ‘Di ka lang magaling, napakabuti mo pang tao,” saad ng aktres.


Ipapalabas ang Midnight Girls sa mga sinehan sa Mayo 13.


Pantay ang exposure ng apat na bida at walang dull moments ang pelikula. Mayroon ding iconic line si Sanya Lopez kung saan sinabi niyang isa siyang ‘p*kpok forever’.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page