top of page
Search
  • BULGAR

Nag-invest, pinagtaguan na… DOC CALAYAN, NA-SCAM NANG MILYUN-MILYON NG KUMARE

ni Julie Bonifacio @Winner | April 30, 2024



File photo
FIle photo: Dr. Manny Calayan


Malungkot na ini-report sa batas ng kilalang beauty surgeon na si Dr. Manny Calayan ang inaakusahang scammer na nambiktima sa kanya ng malaking halaga.


Naghain na ng reklamo si Dr. Manny sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa babaeng nakilala niya bilang si Michelle Alfaro alyas Belle Magadia na nanloko sa kanya nang milyun-milyong piso. 


Ang siste, kumare pa man din daw ni Doc Manny itong si Michelle alyas Belle. Huli na rin nu’ng malaman ni Doc Manny na may iba pang biktima ng panloloko sa pera ang kanyang kumare. 


Nakumbinse raw siya nitong si Michelle na mag-invest sa business na magsu-supply ng alak at sigarilyo sa mga naglalaro sa isang sikat na casino sa Manila. 

Pinangakuan daw siya na kikita ng 10% interest every week sa perang in-invest niya.


But sad to say, walang bumabalik kay Dr. Manny sa perang in-invest niya sa bogus palang negosyo, kaya kinompronta na raw niya ang kanyang kumare.


“Na-AMLA (Anti-Money Laundering Act) raw ang pera niya. Keso na-hold daw. Nasa BSP daw ang pera niya. Hindi raw niya mailabas. Tapos, hindi na nagpakita, nagtago na, nawala na,” pahayag ni Dr. Manny sa interview sa kanya ng GMA-7 News team.


Bukod kay Dr. Manny, may isang biktima pa raw itong si Michelle na nakunan naman ng P3M ang nainterbyu rin ng GMA-7 News.


“Nu’ng nag-i-invest pa ako, nag-iba siya ng pangalan from Michelle Alfaro to Belle Magadia. Sabi ko, 'Bakit nag-iba ka ng pangalan?' Tinanong ko siya, 'Bakit ka nagpalit ng pangalan?'

Sabi niya, ‘Kasi Dok, may isa akong investor, eh, napakaswapang sa pera. Gusto (niya) uunahin lahat-lahat.’ Sabi ko, ‘Ah, talaga?’ Naniwala naman ako. ‘Yun pala, may tinataguan na siya,” kuwento ni Dr. Manny sa amin.


Huli na nu’ng malaman niya na nagtatago na sa ibang biktima ang kanyang kumare.

Panawagan ni Dr. Manny, “Maawa naman kayo sa mga tao na kumikita ng pera na pinaghirapan nila.”


Pakiusap pa ng celebrity doctor, magbigay ng impormasyon sa kanya ang publiko kapag nakita or may nabalitaan sila sa kinaroroonan ng kanyang kumareng scammer na si Michelle Alfaro a.k.a Belle Magadia.


Samantala, bukas ang aming pahina para sa panig ng inaakusahan.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page