Nag-iiwan daw 'yun ng peklat sa puso, Gerald… BEA, MAY PAYO SA MGA MANLOLOKO
- BULGAR
- Mar 16, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 16, 2023

Pinag-uusapan ang mensahe ni Bea Alonzo sa mga cheaters sa interview sa kanya ng "shala" na si Small Laude sa vlog nito.
Ang message ni Bea sa kung sinuman ang cheaters diyan, ‘wag paglaruan ang puso ng inyong mga binibiktima.
“You cannot play with anybody’s heart. You really have to stop. I mean, minsan, akalain mo na parang, you can just wing it, okay lang ‘yan. She will be able to move on,” paunang sabi ni Bea.
“But what you don’t realize is that you can leave a scar to that person. Minsan, hindi mo alam what it does to that person na minsan, ‘yung napag-cheat-an mo, hindi mo alam na nag-iiwan ‘yun ng bakas na hindi na niya makikilala ‘yung sarili niya in the end,” dagdag ni Bea.
Sabi ni Bea, serious matter ang cheating at may advice siya sa mga nabiktima na.
“It will get better. You just have to take it one day at a time. It may seem like right now, it’s the end of the world. You’re in so much pain. But I’m telling you, it will be better.”
Dahil sa pahayag na ito ni Bea, marami na tuloy ang excited na mapanood na ang drama series nila ni Dennis Trillo na Love Before Sunrise dahil siguradong maraming hugot ang kanyang karakter. Tungkol sa relationship ang drama series na to be directed by Mark Sicat dela Cruz.





Comments