top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

Nag-iingay, Sen. Robin, binanatan… MARIEL, NATAWA RAW SA POST NA LAOS NA SI ANGEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | July 25, 2026



BULGARY - MARIEL, NATAWA RAW SA POST NA LAOS NA SI ANGEL-IG _charliemanapat & FB Angel Locsin

Photo: IG _charliemanapat & FB Angel Locsin



Magmula nang magkaroon ng isyu si Angel Locsin kay Sen. Robin Padilla dahil sa red-tagging at kinampihan ni Mariel Rodriguez ang mister, nagkasira na ang dating magkaibigan.


First time kasing in-activate ni Angel ang kanyang social media matapos ang matagal na pananahimik kasunod ng pag-amin ng senador na siya ay isang komunista.


Dahil dito, nag-react si Locsin sa kanyang Instagram (IG) account. Marami pa siyang nasabi na hindi nagustuhan ni Mariel hanggang sa in-unfollow siya ng misis ni Robin.


Lalo pang tumindi ang isyu dahil ang mga content creators ay gumagawa rin ng mga kuwento para lalo pang pagsabungin ang dalawang female celebrities.

May lumabas kasing post sa Threads (@) na may isang laos na gusto raw sumikat muli, na ang pinatutungkulan umano ay si Angel.


May quote pa umanong mula sa aktres na nagsasabing “Let me give you a heads up, if you don’t stop flooding my page with nonsense, I will trace you and tap your employer, your family, anything.”


May nagsabi namang “Mariel Padilla, isa sa nagla-laugh react sa post ng isang Facebook (FB) page na laos na si Angel Locsin.”


May nagkomento naman na, “Mag-research ka muna bago ka magtanong ng ganyan online. Kung para kay Mariel naman ang tanong mo, mas mabuti pang i-direct message mo na lang s’ya para s’ya mismo ang makasagot sa ‘yo. 


“Medyo nakakatawa kasing magtanong sa social media ng bagay na s’ya lang naman ang makapagbibigay ng tamang sagot. Baka mas mabilis ka pang makakuha ng sagot kung idiretso mo na lang sa kanya.”


May punto naman ang commenter.


Gumagawa lang ng kuwento ang ilan para lalo pang magbardagulan ang dating magkaibigan.





GINULAT ni Kris Bernal ang maraming tagahanga nang magkaroon siya ng positibong reaksiyon matapos na biglang nakansela ang kanyang pinakahihintay na out-of-town flight. 


Sa halip na magreklamo online, hayagan niyang pinuri ang sikat na airline dahil sa pag-una nito sa kaligtasan ng lahat.


Sa kabila ng nakakadurog-pusong pagkansela, binigyang-diin niya ang mabilis na proseso ng pag-refund ng airline, na naging dahilan upang ang isang malaking pagkadismaya ay mauwi sa pasasalamat, dahilan para hangaan ng libu-libong fans niya ang kanyang maturity at positibong pag-iisip.


Nangyari ito habang papunta siya sa isang malaking charity event sa paaralan na inorganisa ng pamilya ng kanyang asawa.


Bagama’t maraming pasahero ang nagalit dahil tuluyang nasira ang plano sa paglalakbay, naglaan si Kris ng ilang sandali upang pagnilayan ang kanilang sitwasyon.

Binigyang-diin pa ni Kris na ang ligtas na pagdating sa destinasyon ay mas mahalaga kaysa sa anumang nakaiskedyul na kaganapan o bakasyon.


“While travel plans don’t always go as expected, it’s reassuring to know that passenger safety remains the top priority,” wika pa niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page