top of page
LET’S SEE - AGOT, BIANCA, DINGDONG ATBP. ATENISTA, TAMEME SA KAHIHIYAN NG ATENEO SA PAGKAM

Nag-guest sa TV5, tinanggal ng BNC… MATTEO, TANGGAP NA SI RAYMOND ANG PUMALIT SA KANYANG HOST

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 12, 2026



FRANKLY - MATTEO, TANGGAP NA SI RAYMOND ANG PUMALIT SA KANYANG HOST-IG _matteog

Photo: IG _matteog



In fairness kay Matteo Guidicelli, naging sport naman siya at pinuri si Raymond Gutierrez bilang pinakabagong anchor ng Agenda ng Bilyonaryo News Channel (BNC).

Nag-post ang kakambal ni Richard Gutierrez ng reel kung saan mapapanood ang isang buong araw niya sa BNC studio.


Sa bandang dulo ng video ay makikita si Raymond na nag-a-anchor sa Agenda kasama sina Korina Sanchez, Pinky Webb at Willard Cheng.


“A day at the @bnc.ph studios,” ang caption ni Mond.


Sa comment section ay mababasa ang mensahe ni Matteo na, “Awesome, bro!”

Matatandaang si Matteo ang dating entertainment anchor ng Agenda. Naging usap-usapan ang pagkawala ng aktor sa Agenda dahil ayon sa tsika, tinanggal siya matapos umanong hindi magustuhan ng BNC ang ginawa niyang pagge-guest sa news program ng TV5.


Hanggang ngayon ay wala pang direktang pahayag sina Matteo Guidicelli at ang BNC tungkol dito, pero ayon kay Ogie Diaz sa recent vlog nito, nakausap niya ang aktor at ipinaliwanag nitong nagpaalam siya sa BNC bago ang kanyang pagge-guest sa TV5.





PINAKILIG ni Donny Pangilinan ang mga fans nila ni Belle Mariano nang mag-post siya ng sweet birthday message para sa kanyang ka-love team.


Nagdiwang ang aktres ng kanyang ika-24 na kaarawan noong June 10 at siyempre, isa si Donny sa mga bumati sa kanya sa social media.

Nag-post ang aktor sa kanyang Instagram (IG) Story ng birthday greeting para kay Belle.


“Happiest birthday @belle_mariano. Fly higher than ever before. To even bigger dreams, and all the extraordinary things waiting ahead. Keep embracing all that you were created to be,” ang sweet birthday message ni Donny.


Ang mensaheng ito ay nagpapatunay na nananatiling maganda ang kanilang samahan kahit hindi na sila magiging aktibong magka-love team.


Samantala, sa China ipinagdiwang ng aktres ang kanyang kaarawan base sa kanyang IG post.


Nagbahagi siya ng mga larawan habang namamasyal sa Shanghai Disneyland Park.


“24 @ the happiest place on earth,” ang maikling caption ni Belle.

Hindi malinaw kung sino ang kasama ng aktres o kung mag-isa lamang siya dahil puro solo pictures ang kanyang ipinost.





TILA dream come true para sa Sparkle artists at Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) 2.0 ex-housemates na sina Caprice Cayetano, Heath Jornales, Marco Masa at John Clifford ang muli nilang pagsasama-sama sa bagong serye ng GMA Public Affairs na You’re My Favorite Song.


Pare-parehong masaya at grateful ang apat na magkasama sa isang project after PBB. Hindi rin natapos sa loob ng Bahay ni Kuya ang kanilang samahan dahil makakasama rin nila sa serye sina Waynona Collings at Princess Aliyah.


Malapit nang mapanood ang You’re My Favorite Song sa GMA Afternoon Prime. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page