Nag-face-to-face… KAREN, UMAMING TAKOT KAY KORINA
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 30, 2022

Tinuldukan na nina Korina Sanchez at Karen Davila ang alingasngas ukol sa alitan diumano nila for the longest time.
Sa isang pambihirang pagkakataon, magsasama sa iisang TV screen ang dalawa sa pinakamatatagumpay na kababaihan sa media industry.
Ang multi-awarded broadcast journalist na si Karen Davila kasi ang panauhin ni Korina Sanchez sa kanyang pinakabagong palabas, ang Korina Interviews ngayong Linggo.
Ang dalawa ay kabilang sa mga pinagkakatiwalaang tagapaghatid-balita sa bansa.
Nakilala ang dalawa dahil sa kanilang dedikasyon, pagsusumikap at malawak na karanasan sa paghahatid ng serbisyo publiko.
Sa teaser ng Korina Interviews, makikita ang masayang kuwentuhan ng dalawa. Pero hindi pa rin nagpahuli ang dalawa sa kanilang ‘straightforward’ na mga pahayag at tanong.
Sinabi pa ni Karen na takot siya kay Korina noon samantalang tinanong naman ni Korina si Karen, “Bakit sa palagay mo, pinag-aaway tayo?”
Alamin ang sagot ni Karen ngayong Linggo, October 30, alas-singko ng hapon sa NET25.





Comments