ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 4, 2024
Hati ang opinyon ng mga fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa tunay nilang relasyon matapos mapanood ang video after mag-skydiving ng aktres. Nagyakapan kasi nang mahigpit ang mga bida ng Hello, Love, Again (HLA) kaya nagtalu-talo na ang mga fans.
May nag-comment na pang-jowang hug ang ginawa nina Kathryn at Alden dahil kung magtropa lang ang dalawa, magha-high five lang daw. Tila may sinabi pa si Alden na hindi naman narinig sa video dahil malayo ang kuha.
May naniniwala namang magkaibigan lang ang dalawa at dala lang ng emosyon kung bakit sila nagyakapan. Kung magdyowa na raw sina Alden at Kathryn, dapat noong matapos ang skydiving ni Alden, nagyakapan din sila, pero hindi nangyari.
Anyway, dahil sa kagustuhang ma-experience ang skydiving, nagpa-extend ng isang araw na stay sa Dubai sina Alden at Kathryn. At least, na-experience nilang lumipad sa ere.
Samantala, workaholic talaga si Alden, kararating lang nila kahapon from Dubai, sumama agad sa ibang cast ng Pulang Araw (PA) na bumisita sa St. Paul’s University, Quezon City. Kasama niya sina Rochelle Pangilinan, Ashley Ortega, Jay Ortega at Dennis Trillo. Hindi uso sa kanya ang jet lag, work lang siya nang work.
Ipinost ni Maine Mendoza sa X (dating Twitter) ang trailer ng 2024 MMFF entry ng husband niyang si Cong. Arjo Atayde na Topakk. May nag-react lang sa caption ni Maine na: “The first Filipino film shown in Cannes and premiered in Locarno, mapapanood na sa December 25.”
Comment ng isang netizen, nauna nang ipinalabas sa Cannes ang mga pelikulang Jaguar, Insiang at Ma Rosa.
“They were screened in Cannes in the past. Maine, I’m a fan and I love you. Just clarifying this bit of information,” sey ng netizen.
Tinanggap naman ni Maine ang pagkakamali niya at ang sabi, “Thanks for this! I appreciate the information! I stand corrected; Topakk was actually first shown in Cannes. ‘Yan pala.”
Tumutulong si Maine sa pagpo-promote ng Topakk na isa sa nasa listahan ng mga netizens na una nilang panonoorin sa December 25. Bukod sa si Arjo ang bida at produced ng kanilang Nathan Studios, susuportahan nila ang movie dahil miss na nilang manood ng action film.
May pagmamalaki ang Facebook (FB) post ni Maine na, “The internationally acclaimed Pinoy action film—first shown in Cannes and premiered in Locarno—is coming home this December. Ang lakas ng Topakk, mararamdaman n’yo ngayong Pasko!”
Ngayong hapon ang mediacon ng Topakk, kaya malalaman namin ang ibang details ng movie sa direction ni Richard Somes.
Muli naming mapapanood ang trailer na nang una naming mapanood, bilang mahilig kami sa action film, agad naming nagustuhan.
NANG i-post ni Dennis Trillo ang poster ng 2024 MMFF entry niyang Green Bones, may nag-comment na, “Ay, may Dennis Trillo pa pala? Kumita kaya ito?”
Pero imbes magalit, ito lang ang isinagot ng aktor, “Sa December 25 na po ang showing.”
May kumampi kay Dennis at sinabihan ang aktor ng “Kill ‘em with kindness.”
Ang tanong ng netizen ay galing sa naging controversial na sagot diumano ni Dennis na, "May ABS pa ba?" nang tanungin kung lilipat ba sa ABS-CBN ang asawang si Jennylyn Mercado. Tapos na ang isyu, pero may ibang hindi pa rin makapag-move on.
Anyway, Rated PG ng MTRCB ang GB, puwedeng manood ang mga bata. Sa December 5 lalabas ang full trailer.
Kabilang sa cast sina Ruru Madrid, Kylie Padilla, Alessandra de Rossi at Iza Calzado sa direksiyon ni Zig Dulay, na may mga fans at pinapanood nila ang gawa nito, pelikula man o TV series.
Samantala, kasama si Dennis sa mga dumalo sa birthday party ng Beautederm bossing na si Ms. Rhea Tan. Hindi malaman kung sinamahan lang ng aktor si Jennylyn na endorser na ng Beautederm o kinuha na rin siya para maging endorser.
Natanong si Rhea kung kukunin bang endorser ng Beautederm si Dennis, hindi na namin matandaan ang sagot nito, basta nag-smile siya.
Comments