NAG-DISLIKE SA RADIO GUESTING NI KAKIE, 60 THOU NA!

ni Nitz Miralles - @Bida | February 2, 2021

Pare-parehong laging nasa news ang mag-iinang Sharon Cuneta, Frankie Pangilinan at KC Concepcion at iba-ibang rason kung bakit lagi silang nasusulat.
Si Sharon, na-report ang marami niyang gagawing projects, from movies to TV show at may mga nabanggit pang ibang kanyang pagkakaabalahan. Nahe-headline rin tuwing may bago siyang vlog gaya nang ipakita niya ang kanyang bag collection at collection ng watches.
Si KC, sunud-sunod din ang isyu at ang latest ay itong isyu ni Tim Yap kung saan isa ang aktres sa mga invited sa birthday party/event na naging controversial. Na-bash si KC dahil sa P1,500 fine sa kanila dahil kulang daw ‘yun.
Hindi rin nagpapahuli si Frankie sa pagiging controversial ng kanyang mom at Ate KC at mas matindi ang isyu niya dahil DDS o supporters ni President Rodrigo Dutere ang kanyang kalaban. Pati ang pagiging singer ni Frankie, ginawang isyu at ginawan ng meme, na para siguro mang-asar, ginamit ni Frankie na DP ng kanyang Twitter account.
Palaban si Frankie sa mga bashers niya dahil ‘yung libu-libong nag-dislike sa guesting niya sa isang radio station, sabi niya ay bayad daw, na ipinag-react ng mga nag-dislike at itinanggi ang sinabi ni Frankie. Sariling effort daw nila ang kanilang ginawang pagdi-dislike sa guesting niya na umabot na yata sa 60K.
Inasar pa lalo ni Frankie ang mga haters niya nang i-post ang TikTok niyang kinanta ang cover ng Driver’s License ni Olivia Rodrigo at zinoom in pa ang camera sa mukha niya. Of course, hindi nagpatalo ang mga haters at kani-kanya sila ng comments.
Ano kaya ang susunod na isyu kina KC, Frankie at Sharon? Abangan natin at tiyak na may kasunod pa.





Comments