top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nag-collab para bumenta ang vlog… BARBIE, KUMANTANG KAMPO NI BEA ANG LUMAPIT PARA MAINTERBYU NIYA

BULGAR
Jul 2, 2022
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | July 2, 2022



Nagpasukat na ang Kapuso stars sa kanilang isusuot para sa GMA Thanksgiving Gala na gagawin sa Shangri-La Fort sa July 30.


Isa sa mga nagpasukat ang Bolera actor na si Jak Roberto na nabanggit na ang GF niyang si Barbie Forteza ang namili ng kanyang susuotin sa nasabing event.


Kuwento ni Jak, si Barbie ang namili at naghanap ng estilo ng kanyang suit na tutugma sa tema ng gala na old Hollywood glam. Sinimulan na ni Jak ang mag-diet para maging fit sa isusuot na suit.


Samantala, kinilig si Barbie sa positive comments ng viewers sa first episode ng online show niyang Coffee Talk with Barbie. Naging controversial pa nga ang first episode kung saan guest niya si Bea Alonzo dahil sa pahayag ng aktres na ayaw na niyang makatrabaho ang isa niyang ex-boyfriend na alam agad kung sino.


“Lahat po ito ay biglaan. HAHAHAHA!!! Parang dalawang araw ko lang pong inayos ito. When Ms. Bea Alonzo’s team reached out to me to offer a vlog collab, I immediately said yes, Saka lang nag-sink in sa 'kin na 'Ay, teka. Dapat effort-an ko 'to. Dapat budget-an.'”


Sit-down interview ang naisip ni Barbie at dahil coffee lover, ang naisip na concept ng kanyang online show ay nagkakape sila ng kanyang guest. Happy si Barbie na nag-enjoy ang mga viewers sa kanyang questions na ang iba ay isinunod niya sa mga sagot ni Bea.


“Gusto ko ring magpasalamat kay Ms. @beaalonzo for being such a good sport all throughout our interview. I also admired her professionalism during the shoot, hindi siya nagpapaintay ng tao. Lalo ko siyang hinangaan dahil doon,” ani Barbie.


Dahil sa positive comments at nag-enjoy ang viewers at maging si Barbie, tuluy-tuloy na ang kanyang online show.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page