Nag-break noon, together again ngayon… RABIYA, SOBRANG SELOSA, JERIC NASASAKAL
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 1, 2022

Obvious na back to each other's arms na ang dating magkasintahan na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales. Matatandaang nagkahiwalay sila dahil sa ilang personal issues ni Jeric at hindi na rin nagpo-post si Rabiya ng kanilang mga larawan ni Jeric sa social media.
Pero sa katatapos na Kadayawan Festival sa Davao, marami ang nakakita na laging magkasama sina Rabiya at Jeric. At patunay na nagkabalikan nga sila ay nang isama ni Rabiya si Jeric sa birthday party ni Pokwang na co-host niya sa programang TikToClock.
Mukhang hindi nga kaya ni Rabiya Mateo na makipagtikisan kay Jeric kaya nagkaroon ng part 2 ang kanilang relasyon.
Well, may ilang netizens ang nag-comment na sobrang selosa, possessive at clingy si Rabiya kaya nasasakal si Jeric sa kanilang relasyon. Nagbago na kaya siya?





Comments