top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Nag-away dahil sa tuyo at tinapa… NORA, SUMUKO KAY MATET, BATI NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2023
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | January 9, 2023



Dumalo si Matet de Leon sa celebration ng ika-40 taon ng scriptwriting workshop ng National Artist na si Ricky Lee sa Pasig City last December 29.


Kabilang si Matet sa isa sa mga batches ng mga scriptwriting workshops ni Sir Ricky.


Kasama niyang dumating ang mister na si Mickey Estrada at kapatid na si Kenneth de Leon sa event na at the same time ay Christmas party na rin ng mga taga-Batch 1 to 29 after three years.


Sinubukan naming interbyuhin si Matet pero dalawang beses siyang nagsabi na “Mamaya na lang” since ‘di pa naman siya aalis.


But when it’s time for us na mag-“French exit” na sa party, hindi na namin nabalikan si Matet.


Obviously, may “hugot” pa rin si Matet sa kanyang ina at Superstar na si Nora Aunor na nag-ugat nga nang kumpitensiyahin ni Ate Guy ang tuyo at tinapa gourmet business ni Matet.


Pansin namin sa galaw at mga mata ni Matet ang “certain sadness” deep inside her. At nangyari pa ang tampo niya sa kanyang ina when supposed to be, magkakasama at maayos ang sitwasyon ng isang pamilya nu’ng Holiday Season.


At habang “nagmumukmok” si Matet sa ginawa ni Nora sa kanya, ang saya-saya naman ng Superstar sa birthday blowout na ibinigay niya kay John Rendez.


Naaalala pa namin na nu’ng panahong may tampuhan din si Nora at ang mga anak na sina Lotlot de Leon at Ian de Leon, si Matet ang nasa tabi ng Superstar.


At gaya nga ng inaasahan ng marami, heto na, nagkaayos na ang mag-inang Matet at Nora.


As of this writing, katatapos lang mag-live ni Matet sa kanyang YouTube channel na Dear Mars Matet.


Dito ay ini-reveal niya na nagkabati na sila ni Nora at ibinulgar na ang ina ang nag-initiate ng reconciliation nila.


“Nag-chat sa akin si Mommy na sana, maging maayos na, maging okay na kami, na sana kasi Bagong Taon, kalimutan na natin ‘yung mga nangyari nitong nakaraan,” lahad ni Matet.


Pagpapatuloy niya, “Bago mag-Christmas, I wanted to send Mommy a message na maayos na pero nauna si Mommy na mag-chat sa akin. I think that’s God’s way para maging maayos ang lahat.


“Who am I not to say yes to that and (not) to agree with her? Ang Diyos nga, nagpapatawad. Ang mali ko lang doon, sinabi ko na hindi ko na siya kakausapin. Hindi ko pala kaya.”


Ayon pa kay Matet, right after nilang magkaayos ni Nora ay agad nag-live sa kanyang YouTube channel ang dating child star.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page