Nag-50-50, happy na nakaligtas… HEART, NAG-POST NG LUXURY BAG AT SINGSING, DESERVE RAW NIYA
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 1, 2026

Photo: Heart Evangelista - IG Story
Magaling na si Heart Evangelista at nakauwi na ng bahay mula sa pagkaka-confine sa ospital.
Nagbigay ng update sa kanyang Instagram (IG) Story ang aktres at sey niya, “Thank you, Lord. I’m home and out of the woods.”
Aniya pa, “To all the nurses and doctors who were so sweet to me, especially the ones who I could hardly speak to because of my situation, thank you for being so gentle.”
Sa isa pa niyang IG story ay makikita ang larawan ng kanyang braso na may mga pasa.
“To my sweet angel who knows the story behind this situation... Don’t worry, it’s okay. Kidneys are happy again... sorry for crying,” aniya.
Inamin din ng Kapuso actress na isang matinding ‘wake-up call’ sa kanya ang pagkakaospital.
“I don’t like romanticizing certain situations but it was one of my hardest wake-up calls. Health is wealth,” aniya.
“I am so done giving 200% just to please the ones who never liked you to begin with. I will work to make ME happy and for my own personal purpose,” pahayag pa niya.
Isa-isa ring pinasalamatan ni Heart ang mga kaibigang nag-alala sa kanya at nagpadala ng mensahe, pagkain, at mga regalo.
“At sa mga ‘di maasahan, nabuhay ako. Good luck. Kidding. Life is too short... LIVE!” aniya.
‘Kaaliw naman ang isa pa niyang post kung saan ay ifinlex niya ang isang luxury bag at ang suot niyang bonggang singsing.
“Mamatay pa ako!? Wait lang, huy. At dahil d’yan, I deserve this,” caption niya.
Hindi na sinabi pa ni Heart kung ano ang naging sakit niya, pero mukhang hindi ito biro base na rin sa kanyang mga realizations.
Matatandaang isinugod ang aktres sa ospital kamakailan, ayon sa post ng kanyang long-time assistant na si Resty Rosell.
Apparently, nagkasakit si Heart Evangelista dahil sa sobrang pagtatrabaho.
LALONG kinasasabikan ang primetime TV kasunod ng premiere ng Coco Martin’s Sigabo at nalalapit na pag-ere ng Someone, Someday (SS). Kaya naman, ganoon din kainit ang naging pagsalubong ng mga Kapamilya sa mga bida ng dalawang ABS-CBN series sa ginanap na Primetime Bida motorcade nitong nakaraang weekend.
Umapaw ang mainit na pagmamahal ng mga taga-Pampanga matapos nilang dagsain ang mga lansangan para batiin ang Sigabo stars na sina Coco Martin at Julia Montes, at ang mga bida ng SS na sina Asia’s Superstar Kathryn Bernardo at Multimedia Powerhouse James Reid.
Taos-puso namang nagpasalamat si Coco sa walang humpay na suporta at pagmamahal ng Kapamilya at sa pagkakataong muling maibalik ang sigla ng sama-samang panonood ng mga pamilyang Pilipino sa telebisyon tuwing gabi.
“Napakasarap sa pakiramdam naming lahat na muling bumalik ‘yung mga tao sa panonood ng telebisyon. Sana lahat ng mga palabas, teleserye, pelikula, sana panoorin natin, lalung-lalo na ‘yung gawang Pilipino kasi para sa ating lahat ito. Ginagawa namin ito para sa inyo, kaya maraming salamat po talaga sa suporta at pagmamahal ninyo,” sabi ni Coco sa naunang TV Patrol interview.
Excited naman si Kathryn na pasayahin din ang mga Pilipino para sa nalalapit na premiere ng inaabangang seryeng SS.
“This is actually our first-ever promo for Someone, Someday. Long way to go, but ramdam namin ‘yung init at excitement ng mga tao. Sana, napasaya namin kayo ngayong linggo, and we’ll see you soon sa Primetime Bida,” Kathryn shared to ABS-CBN News.
Nagmistulang piyesta ang selebrasyon sa motorcade dahil sa kasiyahan at dumadagundong na hiyawan ng mga Kapamilya, bata man o matanda, kung saan sinulit nila ang pagkakataong makipagkamay, magpa-picture, at makisayaw sa pangmalakasang song-and-dance number ng cast.
Mas maraming Pilipino na ang makakapanood ng Coco Martin's Sigabo sa iba’t ibang platform kung saan available ito Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at iWant.
Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Malapit na ring mapanood ang Someone, Someday sa parehong mga platform, kabilang na rin ang Netflix kung saan una itong mapapanood.





Comments