top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nadisgrasya ni Mon… IAN, NADALE SA TAPING, SUGAT AYAW TUMIGIL SA PAGDURUGO

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 17, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | December 17, 2022



Nabitin ang media sa snippets na napanood nila sa grand mediacon ng Nanahimik ang Gabi na ginawa sa Directors Club, The Block SM North EDSA nitong Disyembre 13 dahil kay Mon Confiado kung ano ang nangyari nang mahuli niya si Heaven Peralejo sa ilalim ng kama na nagtatago.


Sobrang palaisipan din sa lahat kung bakit may mga natuyong putik ang damit na suot ni Mon sa buong pelikula at kung bakit marungis siya. Ano ang nasa likod ng kuwento ni Mon kaya niya binalikan si Ian Veneracion sa bahay kung saan ito nanunuluyan kasama ang kalaguyong si Heaven?


Binibiro nga nina Ian at Heaven si Mon na talagang iniiwasan siya.


“Kasi mabaho ako?” tanong naman ni Mon.


“Hindi naligo si Kuya Mon,” pambubuking ni Heaven.


Balik-tanong tuloy ng aktor, “Naamoy mo ba?”


Pero diin ng kontrabidang aktor, nagtu-toothbrush siya lagi.


“Actually, hindi ko inaalis 'yung costume ko the entire shoot. Kasi nasa Tagaytay kami, eh.


Pag-uwi namin du'n sa aming hotel, hindi ko na 'yun tinatanggal. Part ng aking method, ahhh, nakakatulong siya sa akin as an actor. Ayoko siyang bitawan.

“Actually sila (Ian at Heaven), very sweet. Iba 'yung kanilang motivation sa set. Hindi ko sila masyadong pinagkakausap 'pag nag-roll na. Before our take, 'yan, sabay-sabay kaming nagkukuwentuhan, dinner. Nandu'n lang ako sa kuwarto ko, sa stand-by area.”


Samantala, inamin ni Ian na muntik siyang itakbo sa hospital para ipa-X-ray ang daliri sa paa na naapakan ni Mon dahil hindi tumigil ang pagdurugo nito.


“Ang laki kasi nu’ng sapatos na suot niya,” sabi ni Ian.


Hindi nga raw aware si Mon na nakatapak siya at nalaman na lang niya nu’ng magtanggal ng sapatos si Ian na maga ang paa at ‘yung kamay ay muntik mabalian ng daliri dahil sa eksena nilang nagsusuntukan.


“Muntik kong madurog 'yung daliri niya. Natapakan ko 'yan. Nakita n'yo 'yung boots ko?


Naapakan ko 'yan. Talagang pumilipit, eh. So, mahirap talaga.”


“Maraming beses kong nasaktan si Heaven, maraming pasa. Si Ian, ganu'n din. Napakaraming physical na nasaktan ko siya,” tsika pa ni Mon.


Dagdag pa, “Kakaiba talaga 'yung Nanahimik, eh. The usual films kasi kapag Christmas, 'di ba, family, drama, comedy, horror?


“Itong Nanahimik, bihira na magkaroon ang MMFF ng home invasion thriller. Malaki kasi 'yung ibinigay ng pandemic sa mga audience natin na parang na-educate sila.


“Kahit sa Netflix, 'yung mga suspense thriller, ang lalakas, eh. So, naniniwala kami na magiging one of the Top 5 ang aming pelikula.”


Ang Nanahimik ang Gabi ay mapapanood na sa Disyembre 25 kabilang sa MMFF 2022 mula sa direksiyon ni Shugo Praico at produced ng Rein Entertainment nina Direk Lino Cayetano at Philip King na nanalong Rising Producer of the Year sa nakaraang 5th EDDYS Award.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page