NADINE, WALA NANG MAALALA SA MGA NAKARAAN SA ABS-CBN KASAMA SI JAMES
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 17, 2023

Type nina Bea Alonzo at Nadine Lustre na magsama sa isang movie project, kaya nanawagan sila kay Direk Mikhail Red ng "Beke nemen."
Si Nadine ang special guest ni Bea sa kanyang vlog na Legit Lie Detector Test na in-upload nitong Sabado nang gabi sa kanyang YouTube channel.
Unang beses pa lang dadaan sa lie detector test si Nadine at sabi nga niya kay Bea ay kahit hindi na siya dumaan dahil hindi naman siya nagla-lie.
"I'd rather not lie kaysa naman mahuli ako," katwiran ng premyadong aktres.
Ang pagkakakilala naman ni Bea kay Nadine ay very straightforward at unapologetic, na sinang-ayunan naman ng huli.
"And we adore you for that. May mga questions ka bang iniiwasan o kinakabahan ka (sagutin)?" tanong ng content creator-actress.
"Hindi naman (kabado) kasi if I get uncomfortable with the question, even kunwari sa presscon or may journalist or press, sabi ko 'Pass, next question.' Kung ayaw kong sagutin ang tanong, next na lang," paliwanag ni Nadine na ikinagulat ni Bea.
Sweet kasi si Bea sa media lalo na sa mga nakasubaybay ng karera niya, kaya in return ay sinasagot niya lahat ang tanong sa kanya ng press during presscons.
Binalikan ng dalawa kung kailan sila unang nagkakilala at wala silang matandaan dahil lagi lang silang nagkikita sa mga events ng ABS-CBN dati, lalo na tuwing Christmas Special, sabi ni Bea.
At si Nadine, totally ay walang maalala dahil, "Blur 'yung memories ko nu'ng mga time na 'yun."
"Bakit? Charot!" tumawang tanong ni Bea na ikinatawa rin nang husto ni Nadine.
Obviously, ayaw nang maalala ng morenang aktres ang memories noong nasa Kapamilya Network siya dahil siguro sa love team niya before.
"Kasi about work na I was doing, parang iyon 'yung mga times na nag-autopilot na ako sa sobrang dami ng ginagawa ko, sobrang busy," paliwanag ni Nadine.
Tanong ni Bea, "Do you think, we can work together in a movie?"
"Us? Of course! Why not? I would love that!" masayang tugon ni Nadine, sabay bati ni Bea kay Direk Mikhail na pareho na nilang naka-work.
Nalaman din ni Bea na early riser si Nadine at na-practice niya ito during lockdown.
"Nu'ng lockdown, usually nagigising ako nang mga 5 or 6 AM. Ang saya kaya," saad ni Nadine.
"Ako naman, 3 PM na nagigising. Hahaha!" sey ni Bea. "Wala na akong konsepto ng day and night nu'ng time na 'yun (lockdown)," dagdag pa nito.
Inamin din ni Nadine na mas gusto niyang manatili sa Siargao kaysa sa siyudad.
"Iba kasi 'yung buhay sa Siargao, everything is not naman slow, pero mas nada-digest mo 'yung (nangyayari). Laid back, mas chill. Dito kasi sa Manila, napansin ko na 'yung days ko, sobrang bilis, tapos magugulat ako, tapos na 'yung araw," pagkukumpara ni Nadine sa tinaguriang Surfing Capital of the Philippines.
"Do you think, you're honest to a fault?" tanong ni Bea.
"Yeah! Hahaha! Hindi ko talaga kayang mag-lie, promise. Malalaman at malalaman talaga, sobrang obvious," tumawang katwiran ng morenang aktres.
"Are you the jealous type?" tanong uli ni Bea.
"Was, not anymore!" masayang sagot ni Nadine na sinang-ayunan din ni Bea dahil dati rin daw siyang ganoon.
May pet peeve o kinaiinisan ba si Nadine?
"I'm not sure if this is considered as pet peeve, but I have a headphone and it's big. Tapos, kinakausap na pala ako, pero hindi ko naman naririnig kasi naka-headphones ako. May mga times na naglalakad ako o nagdyi-gym ako, may kumakausap na pala sa akin nang hindi ko alam. Tapos, sasabihin na suplada ako. Parang... naririnig ba kita?" esplika ng aktres.
Dagdag pa niya, "Kapag naka-headphones, huwag ninyong kausapin, kalabitin n'yo."
At dahil homeschooled si Nadine ay na-develop ang pagiging introvert nito at natuto lang siyang makipag-socialize nang pumasok siya sa showbiz. Pero mas gusto pa rin niyang nasa bahay lang.
Tanong ni Bea, "Do you think na nami-misinterpret ka ng ibang tao because you're an introvert?
Before kasi (nasabihan kang) suplada, 'di ba?"
"Suplada talaga ako. Hahaha! Joke lang! Feeling ko, because I'm super introvert, hindi ako 'yung (babati sa lahat) as in, pupunta lang ako sa isang corner," sagot ni Nadine.
Maraming beses na ring na-reject si Nadine sa mga auditions na ang tagal niyang naghintay tapos pauuwiin lang din pala siya dahil hindi gusto ang kulay niya at ang hanap ay mestiza.
"Nagpa-gluta (glutathione) ako before, kasi isa rin sa mga insecurities ko 'yung skin ko kasi hindi lang once 'yun nangyari sa 'kin. Alam mo 'yung VTR, pipila ka nang mahaba, tapos ang tagal-tagal, tapos papipilahin ka, tapos pauuwiin na 'yung hindi pasok kasi nga mestiza ang hinahanap," pagbabalik-tanaw ni Nadine sa mga napagdaanan niyang hirap.
Isa pa sa malaking ipinagbago ngayon ni Nadine ay siya na mismo ang namimili ng mga proyekto niya at hindi na katulad noon na ginagawa lang niya ang isang proyekto dahil kailangan.
"Dati kasi, parang 'Sige, gawin na lang natin para may project.' Ngayon, namimili na talaga ako.
Dati kasi, parang na-depressed ako, na parang how my life was, parang work lang talaga and walang rest. It really messed up my mental health, tapos nagkaroon ako ng identity crisis that time kasi hindi ko na kilala 'yung sarili ko.
"I was trying to be someone who I wasn't. I was such a people pleaser back then, pero kasi ngayon, kung ayaw mo, eh, di 'wag!
"At saka pare-parehas lang 'yung mga roles ko. At kapag nagtu-tour ako, ang tawag sa akin ng mga tao ay 'yung pangalan ng character ko. I got lost at some point na hindi ko na kilala si Nadine at hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Love me for who I really am rather than the character," esplikang mabuti ng aktres.
Sa kasalukuyan ay sa Siargao nakabase si Nadine at lumuluwas lang ng Maynila kapag may trabaho.





Comments