NADINE, TODO-DENY NA IPINAGTANGGOL SI DEANNA WONG SA PANG-IISNAB
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 11, 2022

Inalmahan ni Nadine Lustre ang mga netizens na nag-react sa kanyang lumang interview tungkol sa pang-iisnab sa fans.
Ang nasabing video ay iniugnay ng mga netizens sa talk of the town ngayong snubbing incident ni Choco Mucho Flying Titans volleyball star player Deanna Wong sa Boracay kamakailan.
Sa naturang panayam, napag-usapan nina Nadine at Edward Barbers ang tungkol sa expectations ng mga tao sa mga celebrities, lalo na sa pagpansin sa kanila sa pampublikong lugar.
Ayon sa aktres, hindi obligasyon ng isang celebrity na i-please ang lahat.
“I was never the type to say hi to everyone or smile, wave, because I don't know you. I've never had the feeling of responsibility when it comes to saying hi to everyone... To me it was weird. If you want me to say hi to you, say hi to me or acknowledge me…” ang pahayag ni Nadine sa naturang interview.
Pinalabas ng ibang netizens na kinampihan at ipinagtanggol daw ni Nadine si Deanna.
Pero kung nag-research lang muna sila, malalaman nilang last year pa ang panayam na ito ni Nadine kaya there’s no way na may kinalaman ito sa issue ni Deanna ngayon.
Kaya naman hindi ito pinalampas ni Nadine at tumalak siya sa kanyang Twitter.
“Nood muna kasi bago mag-react. Wala namang issue, for the click bait na lang talaga, eh,” ang unang tweet ni Nadine last Friday.
Sunod na kuda ng aktres, “I'm so mind blown with how this interview was so blown out of proportion, then again, I'm not surprised. Probably gonna be the last time I'm gonna talk about this 'coz prolonging this will be silly sf. If people still wanna to crucify me for that edit down video, eh, di wow.”
Kahapon ay naglabas ulit ng paglilinaw si Nadine. Kalakip ang video ng full interview, aniya, “I hope y'all watch this video so you see the whole picture. This interview was last year and is NOT a response or comment to Deanna Wong.”
Nagbigay din siya ng mensahe sa kanyang mga fans na naapektuhan din sa issue at talagang ipinagtatanggol siya.
“Please know that I don't really care about all the bashing... If anything, it's making me laugh. I hate seeing you guys affected and trying to clean up this BS,” saad ng aktres.
At ang mensahe niya sa mga nanghusga sa kanya, “Shoutout din to everyone who’s quick to judge + make content about a subject without knowing the full context first. I hope y’all got the clicks u wanted. Enjoy.”
Isa pang tweet ng aktres na ikinaloka naman namin, sarkastiko niyang sinabi na naghihintay daw siya ng mga news platforms na pi-pick-up ng mga tweets niyang ito.
“I'm gonna wait for news/chismis platforms to pick up these tweets. They usually pick up news about me so quickly. Mas mabilis pa sila sa alas-kwatro 'pag may bagong update. Sa'n kaya sila now?” aniya.
Well, ‘eto na. Happy?





Comments