top of page
WINNER - MALE FAN, NAG-PROPOSE KAY ALEX EALA SA HARAPAN NG PADIR_FB Alex Eala.jpeg

NADINE, TAKOT MALAOS, WALANG INAAYAWANG SHOWS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Frankly| August 29, 2026



FRANKLY - NADINE, TAKOT MALAOS, WALANG INAAYAWANG SHOWS_IG _nadine

Photo: IG _nadine



Inamin ni Nadine Lustre na natakot siyang mawalan ng career noon kaya tanggap siya nang tanggap ng magkakasabay na projects kahit hindi na raw niya kayang gawin.


“Being in the showbiz industry, it’s such a fast-paced ano, parang ang bilis lahat. Everything is so fast, everything moves on really fast, ganu’n,” sey ng aktres sa panayam sa kanya ni Bianca Gonzalez.


“So nagkaroon ako ng time na ayoko talagang tumigil kahit pagod na pagod na pagod na ako. ‘No, I have to do this kasi baka mawalan ako ng projects or baka makalimutan ako ng tao.’ May mga ganu’ng thoughts ako,” dagdag niya.


Pero in the end, natutunan din daw niyang mag-slow down dahil naapektuhan na raw ang kanyang kalusugan.


“It took a toll on my health na, physical health, that I wasn’t sleeping properly, I was stressed, ganu’n. Tapos, I wasn’t taking care of myself anymore,” sey niya.


Bukod pa rito, hirap na hirap daw siyang mag-say ‘no,’ kaya yes siya nang yes sa mga projects and events to the point na nag-o-overlap na raw at hindi niya alam kung paano magampanan lahat.


“Na-experience ko nu’n, taping, tapos mae-excuse kami saglit kasi mayroon akong schedule na kailangang puntahan and then babalik ng taping. May mga ganu’n before,” kuwento niya.


“So ngayon, ‘pag meron akong mga schedules na lagare, nandu’n na ‘ko sa parang ‘How I am gonna do that?’ Kind of like forgetting na ginawa ko mas malala pa before,” pahayag niya.


Ngayon daw ay mas binibigyan na niya ng importance ang sarili niya at feeling niya, nasa punto na rin siya ng career niya ngayon na kaya na niyang maghinay-hinay.


“When you’re starting, it’s really hard to say no because you want to be successful, you want people to know you, you want to prove yourself.


“Ngayon kasi, parang ‘Ah, okay na, next year na lang ulit,’ ganu’n. Pero ano naman, I think the good thing about me is I still get excited with everything,” sey niya.


Ngayon ay kaya na raw niyang mag-say no at feeling niya ay graduate na siya sa panahong lagare-to-death siya sa mga proyekto.





DOBLE-PANALO ang Call Me Mother (CMM).

Ang pinarangalang Silver Best Feature Film Made in Asia sa ContentAsia Awards 2026 nina Vice Ganda at Nadine Lustre ay ang nangungunang pelikula naman ngayon sa Netflix Philippines.


Patuloy na umaantig sa puso ng mga manonood ang pelikulang idinirehe ni Jun Robles Lana dahil sa relatable at hitik sa emosyon na kuwento nito sa mga sakripisyo at walang hanggang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.


Nauna na rin itong nag-uwi ng apat na parangal sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal, kabilang ang Best Actor para kay Vice Ganda, Best Child Performer para kay Lucas Andalio, 3rd Best Picture, at Gender Sensitivity Award.


Nagtala naman ito ng P392 million na kita sa takilya sa loob at labas ng Pilipinas, at nagsilbi rin itong opening film para sa Philippines-Japan Film Festival 2026.


Umiikot ang CMM sa kuwento ni Twinkle (Vice), isang queer mother sa ampon niyang si Angelo (Lucas). Dumaan sa pagsubok ang relasyon ng mag-ina nang pumasok sa buhay nila ang totoong nanay ni Angelo na si Mara (Nadine) upang makuha ang kustodiya ng kanyang anak.


Ang Call Me Mother ay mula sa produksiyon ng Star Cinema, The IdeaFirst Company, at Viva Films.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page