top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nadine, deserve raw maging No. 1… ATTY. TOPACIO, HAPI NA NAUNGUSAN ANG MOVIE NI VICE SA MMFF

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2023
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 21, 2023


Hindi man nag-No. 1 or kahit hanggang Top 3 sa MMFF 2022 ang Mamasapano: Now It Can Be Told na produced ng kanyang production outfit na Borracho Films, hindi nadala si Atty. Ferdinand Topacio na sundan ang kanyang unang ginawang pelikula.


In fact, nakapagsimula na nga sila ng taping dito sa Pilipinas ng rom-com movie titled Spring in Prague na pagbibidahan ni Paolo Gumabao at ng sikat na aktres sa Prague, Czech Republic na si Sara Sandeva.


Bukod sa mga eksena rito sa 'Pinas, magsu-shooting ang Borracho team sa Prague para sa 30% ng kabuuan ng pelikula nang sa gayon ay maipakita ang mga tourist spots at kultura ng Czechoslovakia.


At pramis ni Atty. Ferdie, gagastusan niya ang pelikula kung ano ang kailangan. Meaning, hindi totoong nalugi siya sa pagpoprodyus ng Mamasapano tulad ng ipinakakalat daw ng mga bashers.


Ibinalita nga rin ni Atty. Ferdie na iti-treat niya ang buong Mamasapano team sa Hong Kong dahil natuwa siya sa magandang trabaho ng mga ito kaya humakot ng awards ang pelikula sa nakaraang MMFF 2022.


Samantala, binanggit din ni Atty. Topacio na natutuwa siya na kahit 'di nag-No. 1 ang Mamasapano, at least ang pelikula raw ni Nadine Lustre ang nag-top at naungusan ang taun-taon ay namamayagpag na si Vice Ganda.


Nilinaw din sa amin ni Atty. Ferdie na wala siyang sama ng loob kay Edu Manzano na nagbida sa Mamasapano kahit 'di ito nakapag-promote ng pelikula dahil naiintindihan daw niya ang rason ng aktor. Matagal na raw silang friends ni Edu at hindi 'yun ang sisira sa kanilang friendship.


Mukhang nag-e-enjoy si Atty. Topacio sa paggawa ng pelikula dahil naikuwento niya sa amin na mahilig talaga siyang manood ng movies, mapa-local o foreign man.


Sayang nga lang at hindi aabot sa Valentine's Day offering itong Spring in Prague kung saan mukhang may chemistry at kilig pa naman ang mga bidang sina Paolo Gumabao at Sara Sandeva kahit sabihin pang umaming taken na (may BF na naiwan sa Prague) ang Czechoslovakian actress.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page